Mahalaga: Mahahanap ang sensor ng temperatura sa likod ng telepono, sa tabi ng camera. Hindi dapat dumikit sa mismong telepono ang bagay.
Puwede mong sukatin ang temperatura ng surface ng mga bagay gamit ang iyong Pixel phone. Available ang feature na ito sa Pixel 8 Pro, Pixel 9 Pro, Pixel 9 Pro XL, Pixel 10 Pro, at Pixel 10 Pro XL.
Take temperature of objects around you with your Pixel Phone
Sukatin ang temperatura ng isang bagay gamit ang iyong PIxel phone
- Sa iyong Pixel phone, buksan ang Thermometer app
.
- I-tap ang Temperatura ng Bagay.
- Ipapakita ang isang disclaimer ng thermometer. I-tap ang Magpatuloy.
- Sukatin ang temperatura ng bagay.
- Mula sa listahan ng “Mga routine na pagsukat,” i-tap ang materyal na tumutugma sa item mo.
- Para magsimula ng bagong pagsusukat, i-tap ang Idagdag
.
- Sa ibaba, piliin ang materyal ng bagay na gusto mong sukatin.
- Ipuwesto ang iyong Pixel phone 2 pulgada mula sa bagay hanggang sa ganap na ma-highlight ang bilog.
- Para i-capture, i-tap ang gitna ng bilog.
- I-tap ang I-save.
- Para i-delete ang pagsukat, i-tap ang I-delete
.
- Para i-capture ulit, i-tap ang Ulitin
.
- Para i-delete ang pagsukat, i-tap ang I-delete
Mga Tip:
- Mag-ingat kapag nagsusukat ng mga bagay na mainit o malamig.
- Para sa mga tumpak na resulta, iposisyon ang sensor nang 5 cm (2 pulgada) mula sa bagay.
- Posibleng mag-iba ang katumpakan depende sa:
- Lapit sa pinakamataas o pinakamababang limitasyon ng saklaw na temperatura.
- Seleksyon ng materyales.
- Laki ng bagay.
- Pagkakaiba sa temperatura sa pagitan ng sensor at ng bagay.
- Para sa mga bagay na may mainit na singaw, sukatin ang bahagi ng bagay na hindi natatakpan ng singaw o maghintay hanggang sa mawala ang singaw.
- Kapag may pulang bilog, ibig sabihin nito ay napakainit ng bagay, kaya mag-ingat.
Paano ayusin ang mga isyu batay sa mensahe ng error
“Hindi available ang sensor ng temperatura” “Hindi available”- Isasaad na “Hindi available” ang mga resulta sa labas ng sinusuportahang saklaw na -5°F (-20°C) hanggang 392°F (200°C).
- Ang mga resultang isinasaad na “Hindi available” ay mga error ng paglampas sa saklaw, na posibleng mangyari kapag:
- May mabababang emission ang seleksyon ng materyal.
- Mas mataas o mas mababa ang nasukat na temperatura kaysa sa sinusuportahan ng sensor.
Tungkol sa emissivity
Nakadepende sa emissivity ng bagay ang mga nasusukat na temperatura. Inilalarawan ng emissivity kung gaano karaming enerhiya ang lumalabas mula sa isang bagay at mula sa zero hanggang isa ang saklaw nito.
Nakakatulong ang materyales na pipiliin mo na mas mahusay na mapili ang emissivity ng bagay at makakuha ng mga mas tumpak na resulta.