Puwede mong gamitin ang buong screen para maging mas produktibo at mapaganda ang entertainment sa iyong Pixel Fold.
Magsimula sa full screen mode
Para gamitin ang full screen mode, i-unfold ang iyong telepono.
Tip: Puwede ka ring gumamit ng 2 app nang magkasabay sa split screen mode. Alamin kung paano gamitin ang split screen sa iyong Pixel Fold.
Gamitin ang full screen mode para maging mas produktibo at para sa mas magandang entertainment
Puwede mong gamitin ang buong screen ng iyong Pixel Fold para sa halos lahat ng ginagawa mo sa iyong telepono.
Gumagana ang full screen mode sa mga Google Workspace app na naka-optimize para sa full screen mode tulad ng:
- Drive
- Docs
- Sheets
Puwede mo ring gamitin ang full screen mode para i-edit ang mga larawang kinuha mo gamit ang camera ng iyong Pixel Fold o para manood ng mga pelikula. Matuto kung paano mag-edit ng mga larawan sa iyong Pixel Fold.