Makipag-usap sa Google Assistant

Puwede kang makipag-usap sa iyong Pixel 4 at mas bago, kasama ang Fold, at hindi mo kailangang sabihin ang "Ok Google" bago ang bawat tanong o command. Alamin kung paano makipag-usap gamit ang mga nakabahaging device.

Ang kailangan mo

To have a conversation with Google Assistant, you need a Pixel 4 and later, including Fold, with:

  • New Google Assistant.
  • Assistant language set to English.
    • The language setting applies if you're from: the United States, Canada, United Kingdom, Ireland, Australia, or Singapore.

I-on ang Tuloy-tuloy na Pag-uusap

Mahalaga: Nalalapat lang ang Tuloy-tuloy na Pag-uusap sa iyong kasalukuyang device. Matuto tungkol sa mga pag-uusap sa speaker o Smart Display.

  1. Sabihin ang "Hey Google, buksan ang mga setting ng Assistant."
  2. Sa ilalim ng "Lahat ng setting," i-tap ang Tuloy-tuloy na Pag-uusap.
  3. I-on ang Tuloy-tuloy na Pag-uusap.

Makipag-usap

  1. Sa iyong telepono, sabihin ang, "Hey Google" at sabihin ang tanong mo o magsabi ng command.
  2. Makinig sa sagot.
  3. Para ipagpatuloy ang pag-uusap, magtanong ulit o magsabi ng command.
Tip: Umiilaw ang Assistant sa ibaba ng iyong screen habang nakikinig ito.

Tapusin ang pag-uusap

Para tapusin ang isang pag-uusap, gawin ang isa sa mga sumusunod:

  • Sabihin ang:
    • "Salamat."
    • "Salamat, Google."
    • "Tapos na ako."
  • Sa ibaba ng screen, i-tap ang ilaw ng Assistant.
  • Sa itaas ng card ng sagot, mag-swipe pababa.
  • Ilapag ang iyong telepono.

Paano nalalaman ng Google Assistant na nagpapatuloy ang pag-uusap

Kapag naka-on ang Tuloy-tuloy na Pag-uusap, nakikinig ang Google Assistant ng mga karagdagang tanong nang humigit-kumulang 10 segundo. Gumagamit ito ng mga signal ng boses at sensor, gaya ng mga speech, gyroscope, acceleration, at rotation sensor para ma-detect kung ipinagpapatuloy mo ang pag-uusap o hindi.

Ipinoproseso ang mga signal ng sensor sa iyong device. Kung made-detect naming nagpapatuloy ang pag-uusap, posibleng magpadala ng audio sa mga server ng Google para mabigyan ka ng tugon. Pumunta sa Aking Aktibidad para makita kung anong data ang sine-save.

Kung na-on mo ang mga recording ng audio, posibleng gamitin ang iyong aktibidad para mapahusay ang mga teknolohiya sa pagkilala sa audio. Kung gusto mong baguhin ang iyong mga setting, piliin kung ano ang ibabahagi sa Google Assistant.

Paano pinapahusay ng Google Assistant ang mga teknolohiya ng pagkilala ng audio nito

Kung naka-on ang iyong mga recording ng audio, posibleng gamitin ang aktibidad mo na naka-store sa mga server ng Google para pahusayin ang mga teknolohiya ng pagkilala ng audio. Kung gusto mong baguhin ang iyong mga setting, piliin kung ano ang ibabahagi sa Google Assistant.

Simula sa Pixel 7 at Pixel 7 Pro, natututo ang Google Assistant mula sa iyo at humuhusay ito sa pagkilala sa mga salita at pariralang madalas mong ginagamit. Matuto pa tungkol sa naka-personalize na pagkilala sa speech.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1807238882637951116
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false