Nalalapat ang mga patakaran ng programa sa ibaba sa content na pino-post mo sa Google Photos, mga komento sa Google Photos, at content ng print na ginawa sa pamamagitan ng Google Photos. Nagbibigay ang Google Photos ng storage at awtomatikong pagsasaayos ng iyong mga larawan at video nang libre. Mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng mga patakaran sa pagpapanatili ng positibong karanasan para sa lahat ng gumagamit ng mga produkto ng Google.
Kailangan naming pigilan ang mga pang-aabusong nagbabanta sa aming kakayahang maibigay ang mga serbisyong ito, at hinihiling namin sa lahat na sumunod sa mga patakaran sa ibaba para matulungan kaming makamit ang layuning ito. Kapag naabisuhan na kami tungkol sa isang potensyal na paglabag sa patakaran, posibleng suriin namin ang content at gumawa kami ng pagkilos, kasama na ang paghihigpit sa access sa content, pag-aalis ng content, pagtangging i-print ang content, at paglilimita o pagwawakas ng access ng isang user sa mga produkto ng Google.
Puwede kaming gumawa ng pagkilos sa mga account na lumalampas sa limitasyon ng quota sa storage. Halimbawa, puwede naming tanggihan ang mga bagong upload, i-compress ang mga kasalukuyang content, o i-delete ang content kung lumampas ka sa iyong quota sa storage o nabigo kang makakuha ng sapat na karagdagang storage. Magbasa pa tungkol sa mga quota sa storage dito.
Habang inilalapat ang mga patakarang ito, posible kaming gumawa ng mga pagbubukod batay sa mga konsiderasyong pang-edukasyon, pandokumentaryo, pang-agham, o pansining, o kung saan may makabuluhang kapakinabangan para sa publiko ang hindi paggawa ng kilos sa content.
Tiyaking bumalik paminsan-minsan, dahil posibleng magbago ang mga patakarang ito. Pakitingnan din ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google para sa higit pang impormasyon. Bukod sa mga patakarang nakalista sa ibaba, tandaang baka may mga karagdagang patakaran at tuntunin ang ilang produkto at feature. Halimbawa, hindi puwedeng maglaman ang larawan sa profile sa Google ng content na pang-nasa hustong gulang o nakakapanakit, gaya ng larawang close-up ng puwit o cleavage ng isang tao.
Mag-ulat ng Pang-aabuso
Kung naniniwala kang may isang taong lumalabag sa mga patakarang makikita sa ibaba, pakiulat ito sa amin gamit ang link na “Mag-ulat ng Pang-aabuso” (o link na may katulad na pangalan). Matuto pa tungkol sa pag-uulat ng pang-aabuso sa Google Photos at tungkol sa mga karagdagang hakbang na puwede mong gawin para i-block ang isang tao sa Google Photos.
Para mag-ulat ng paglabag sa copyright o iba pang legal na isyu, pakigamit ang tool na ito, na gagabay sa iyo sa proseso ng pag-uulat ng content na pinaniniwalaan mong kinakailangang alisin sa mga serbisyo ng Google batay sa mga naaangkop na batas.
Mga Patakaran ng Programa
Pag-hijack ng AccountHuwag gumawa, mag-upload, o mamahagi ng content na nananamantala o nang-aabuso sa mga bata. Kabilang dito ang lahat ng materyal na nagpapakita ng sekswal na pang-aabuso sa bata. Para mag-ulat ng content sa isang produkto ng Google na posibleng nananamantala sa isang bata, i-click ang "Mag-ulat ng pang-aabuso." Kung may nahanap kang content sa ibang lugar sa internet, makipag-ugnayan nang direkta sa naaangkop na ahensya sa iyong bansa.
Sa malawakan, ipinagbabawal ng Google ang paggamit sa aming mga produkto parailagay sa panganib ang mga bata. Kabilang dito ang, pero hindi limitado sa, mapanamantalang gawi sa mga bata gaya ng:
-
'Pagkukundisyon sa bata' (o 'Child grooming,' halimbawa, pakikipagkaibigan sa isang bata online para magsilbing daan sa sekswal na pakikipag-ugnayan, online man o offline, at/o pakikipagpalitan ng sekswal na koleksyon ng imahe sa batang iyon)
-
Sextortion (halimbawa, pananakot o pag-blackmail sa isang bata sa pamamagitan ng paggamit ng tunay o sinasabing access sa maseselang larawan ng bata)
-
Sekswalisasyon ng menor de edad (halimbawa, koleksyon ng imahe na naglalarawan, nanghihikayat, o nagsusulong ng sekswal na pang-aabuso sa mga bata o pagpapakita ng mga bata sa paraang puwedeng magresulta sa sekswal na pananamantala sa mga bata); at
-
Trafficking ng bata (halimbawa, pag-advertise o pangangalap ng bata para sa komersyal na sekswal na pananamantala).
Aalisin namin ang ganitong content at gagawa kami ng naangkop na pagkilos, kung saan posibleng kasama ang pag-uulat sa National Center for Missing & Exploited Children, paglilimita sa access sa mga feature ng produkto, at pag-disable sa mga account. Kung naniniwala kang nasa panganib ang isang bata o nakakaranas siya ng pang-aabuso, pananamantala, o trafficking, makipag-ugnayan kaagad sa pulisya. Kung nakapag-ulat ka na sa pulisya at kailangan mo pa rin ng tulong, o kung nag-aalala kang nanganganib o dating nanganib ang isang bata sa aming mga produkto, puwede mong iulat ang gawi sa Google.
Huwag lokohin, linlangin, o lituhin ang mga user para sa pinansyal na kapakinabangan o para makapanakit ng kapwa. Kasama rito ang pagbibigay ng mga tagubilin sa, pag-recruit para sa, o pagsasagawa ng mga scam at panloloko. Kasama sa mapanlinlang na content ang, pero hindi limitado sa, mga pekeng review, mga “get rich quick” na scheme, advance na bayarin, pag-ibig, sweepstakes, at mga investment scam.
Huling na-update: Disyembre 2024
Huwag magpanggap bilang ibang tao o organisasyon o magsinungaling tungkol sa iyong sarili. Kasama rito ang pagpapanggap bilang sinumang tao o organisasyong hindi mo kinakatawan; pagbibigay ng mapanlinlang na impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan, mga kwalipikasyon, pagmamay-ari, layunin, mga produkto, mga serbisyo, o negosyo ng isang user/site.
Kasama rin dito ang content o mga account na nagsisinungaling tungkol sa, o itinatago ang, kanilang pagmamay-ari o pangunahing layunin gaya ng pagsisinungaling tungkol sa o sadyang pagtatago ng iyong pinagmulang bansa o iba pang mahahalagang detalye tungkol sa sarili mo kapag nagdidirekta ng content tungkol sa pulitika, mga isyung panlipunan, o mga pampublikong usapin sa mga user na nasa ibang bansa. Pinapayagan namin ang parody, satire, at paggamit ng mga pseudonym o pen name –iwasan lang ang content na malamang na makapanlinlang sa iyong audience tungkol sa totoong pagkakakilanlan mo.
Huwag mamahagi ng content na nanloloko, nakakapanlinlang, o nakakalito sa mga user. Kabilang dito ang:
Nakakapanlinlang na content kaugnay ng mga civic at demokratikong proseso: content na malinaw na hindi totoo at posibleng magpahina nang husto sa pakikilahok o tiwala sa mga civic at demokratikong proseso. Kasama rito ang impormasyon tungkol sa mga pamamaraan ng pagboto ng publiko, pagiging kwalipikado ng kandidato sa pulitika batay sa edad / lugar ng kapanganakan, mga resulta ng eleksyon, o paglahok sa census na sumasalungat sa mga opisyal na tala ng pamahalaan. Kasama rin dito ang mga hindi tamang pahayag na nagsasabing namatay, naaksidente, o nakakaranas ng biglaang malubhang sakit ang isang politiko o opisyal ng pamahalaan.
Nakakapanlinlang na content kaugnay ng mga mapaminsalang conspiracy theory: content na nagsusulong ng o ginagawang kapani-paniwala ang mga paniniwalang may mga indibidwal o grupong sistematikong nagsasagawa ng mga aksyong nagdudulot ng malawakang pinsala. Ang content na ito ay pinabubulaanan ng matibay na ebidensya at nagresulta na sa o nag-uudyok ng karahasan.
Nakakapanlinlang na content kaugnay ng mga mapanganib na gawi sa kalusugan: nakakapanlinlang na content na pangkalusugan o medikal na nanghihikayat sa ibang tao na makilahok sa mga gawing posibleng humantong sa malubhang pisikal o emosyonal na kapahamakan sa mga indibidwal, o malubhang kapahamakan sa pampublikong kalusugan.
Minanipulang media: media na teknikal na minanipula o dinoktor sa paraang nanlilinlang sa mga user at posibleng magdulot ng matinding kapahamakan.
Posibleng payagan ang nakakapanlinlang na content sa kontekstong pang-edukasyon, dokumentaryo, siyentipiko, o artistiko, pero pakitandaang magbigay ng sapat na impormasyon para tulungan ang mga taong maunawaan ang kontekstong ito. Sa ilang sitwasyon, hindi papayagang manatili ang content na ito sa aming mga platform sa anumang konteksto.
Huling na-update: Oktubre 16, 2024
Ang mga alam na marahas na organisasyon at kilusang hindi sa estado ay hindi pinapayagang gamitin ang produktong ito para sa anumang layunin. Huwag magpamahagi ng content na nagbibigay-daan o nagpo-promote sa mga aktibidad ng mga grupong ito, tulad ng pag-recruit, pag-oorganisa ng mga online o offline na aktibidad, pagbabahagi ng mga manual o iba pang materyal na posibleng magbigay-daan sa pinsala, pag-promote sa mga ideyolohiya ng mga marahas na organisasyong hindi sa estado, pag-promote ng mga gawain ng terorismo, pag-uudyok ng karahasan, o pagbubunyi ng mga pag-atake ng mga marahas na organisasyong hindi sa estado. Depende sa content, posible rin kaming gumawa ng pagkilos laban sa user. Posibleng payagan ang content na nauugnay sa mga marahas na organisasyong hindi sa estado sa konteksto ng edukasyon, dokumentaryo, agham, o sining, pero pakitandaang magbigay ng sapat na impormasyon para tulungan ang mga tao na maunawaan ang konteksto.
Mga Karagdagang Patakaran
Pamamahagi ng ContentDapat sumunod ang lahat ng larawan sa mga naka-print na produkto sa mga legal na regulasyon at patakaran sa content. Ibig sabihin, hindi namin pinapayagan ang ilang partikular na larawang ma-print sa aming mga produkto. Hind namin ipi-print ang anumang produktong naglalaman ng mga larawang lumalabag sa mga sumusunod na patakaran.
Pakitandaang ang anumang content na isinumite para i-print sa isang produkto ay posibleng suriin para matukoy kung lumalabag ba ito sa patakarang ito.
Mga Mapanganib at Ilegal na Aktibidad
Hindi kami magpi-print ng content na ilegal na gawain, o nagsusulong ng mga gawain, produkto, serbisyo, o impormasyong posibleng magdulot ng malubha at agarang kapahamakan sa mga tao o hayop. Bagama't pinapahintulutan namin ang pangkalahatang impormasyon para sa mga layuning pang-edukasyon, pandokumentaryo, pang-agham, o pansining, hindi kasama sa pinapahintulutan namin ang content na direktang nagsisilbing daan sa kapahamakan o nanghihikayat ng ilegal na aktibidad.
Nasa ibaba ang mga halimbawa ng kung ano ang hindi namin pinapayagan sa mga naka-print na produkto:
- Mga larawang lumalabag sa mga legal na karapatan ng kahit sino, kasama na ang copyright.
- Mga larawang naglalarawan o may kasamang tagubilin sa mga mapanganib o ilegal na gawain
Panliligalig, Pananakot at Pagbabanta
Hindi kami magpi-print ng content na nanliligalig, nananakot, o nagbabanta sa iba. Hindi rin kami magpi-print ng content na nagsasagawa o nang-uudyok sa iba na gumawa ng mga ganitong aktibidad. Kasama rito ang mapaminsalang pang-aabuso sa isang partikular na tao, pagbabanta ng matinding kapahamakan sa isang tao, sekswal na pambabastos sa isang tao sa paraang hindi ginusto, paglalantad ng pribadong impormasyon ng iba na puwedeng gamitin para gumawa ng pagbabanta, panlalait o pangmamaliit sa mga biktima ng karahasan o trahedya, pag-udyok sa iba na gawin ang mga aktibidad na ito, o panliligalig sa isang tao sa iba pang paraan. Posible kaming gumawa ng naaangkop na pagkilos kung maabisuhan kami tungkol sa mga banta ng kapahamakan o iba pang mapanganib na sitwasyon, kung saan posibleng kasama ang pag-uulat sa iyo sa mga nauugnay na awtoridad, pag-alis ng access sa ilan sa aming mga produkto, o pag-disable sa Google Account mo.
Nasa ibaba ang mga halimbawa ng kung ano ang hindi namin pinapayagan sa mga naka-print na produkto:
- Content na nanliligalig, nananakot, o nambu-bully ng indibidwal o pangkat ng mga indibidwal
Mapoot na Salita
Hindi kami magpi-print ng mapoot na salita. Ang mapoot na salita ay content na nagsusulong o nagpapahintulot ng karahasan o may pangunahing layuning mag-udyok ng galit laban sa isang indibidwal o grupo batay sa kanilang lahi o etnikong pinagmulan, relihiyon, kapansanan, edad, nasyonalidad, status bilang beterano, sekswal na oryentasyon, kasarian, kinikilalang kasarian, o anupamang katangiang nauugnay sa sistemikong diskriminasyon o pangmamaliit at pang-aapi.
Nasa ibaba ang mga halimbawa ng kung ano ang hindi namin pinapayagan sa mga naka-print na produkto:
- Content na nag-uudyok ng galit laban sa isang indibidwal o grupo batay sa kanilang lahi o etnikong pinagmulan, relihiyon, kapansanan, edad, nasyonalidad, status bilang beterano, sekswal na oryentasyon, kasarian, pagkakakilanlan sa kasarian, o iba pang katangiang nauugnay sa sistematikong diskriminasyon o pagmamaliit at pang-aapi.
Content na Tahasang Sekswal
Hindi kami magpi-print ng content na naglalaman ng materyal na tahasang sekswal. Posibleng pahintulutan ang kahubaran para sa mga layuning pang-edukasyon, pandokumentaryo, pang-agham, o pansining, at kahubarang hindi sekswal. Hinding-hindi namin pinapayagan ang content na nang-aabuso ng mga bata sa sekswal na paraan.
Nasa ibaba ang mga halimbawa ng kung ano ang hindi namin pinapayagan sa mga naka-print na produkto:
- Mga larawang naglalaman ng mga graphic na gawaing sekswal na naglalayong sekswal na magpukaw, kasama ang mga pagsasalarawan ng ari, pornograpiya, o mga ilustrasyon
- Content na nagpo-promote ng pakikipagtalik sa menor de edad, sapilitang pakikipagtalik, o iba pang ilegal na temang sekswal, tunay man o hindi
- Content na nagsusulong ng pananamantala sa mga menor de edad sa sekswal na paraan
Mararahas na Organisasyon at Kilusan
Ang mga alam na marahas na organisasyon at kilusang hindi sa estado ay hindi pinapayagang gamitin ang produktong ito para sa anumang layunin. Huwag magpamahagi ng content na nagbibigay-daan o nagpo-promote sa mga aktibidad ng mga grupong ito, tulad ng pag-recruit, pag-oorganisa ng mga online o offline na aktibidad, pagbabahagi ng mga manual o iba pang materyal na posibleng magbigay-daan sa pinsala, pag-promote sa mga ideyolohiya ng mga marahas na organisasyong hindi sa estado, pag-promote ng mga gawain ng terorismo, pag-uudyok ng karahasan, o pagbubunyi ng mga pag-atake ng mga marahas na organisasyong hindi sa estado. Depende sa content, posible rin kaming gumawa ng pagkilos laban sa user. Posibleng payagan ang content na nauugnay sa mga marahas na organisasyong hindi sa estado sa konteksto ng edukasyon, dokumentaryo, agham, o sining, pero pakitandaang magbigay ng sapat na impormasyon para tulungan ang mga tao na maunawaan ang konteksto.