Maghanap ng mga nawawalang larawan at video

Kapag na-on mo ang pag-back up, iso-store ang iyong mga larawan sa photos.google.com.

Mahalaga:

Hakbang 1: Suriin ang iyong account

Puwedeng magmukhang nawawala ang ilang larawan dahil nasa ibang account ka.

  1. Sa iyong computer, buksan ang photos.google.com.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Sa itaas, i-click ang larawan sa profile.
  4. Tiyaking naka-sign in ka sa account kung saan mo na-back up ang mga larawan.

Hakbang 2: Maghanap ng mga nawawalang larawan

Mahalaga:

  • Kung mawawalan ka bigla ng mga larawan, baka may ibang petsa ang mga ito.
  • Isinasaayos sa nakaraang araw ang mga larawang kinuha bago ang 4 AM.
  • Kung nag-download o nag-scan ka ng larawan mula sa isang device na may ibang setting sa petsa at oras, posibleng mali ang timestamp. Alamin kung paano baguhin ang mga timestamp sa mga larawan.
  1. Sa iyong computer, buksan ang "Kamakailang Idinagdag" sa Google Photos.
  2. Kung wala iyon doon, hanapin ang larawan at gamitin ang mga tamang petsa o keyword. Sa itaas, piliin ang Hanapin at i-type kung ano ang gusto mong hanapin, gaya ng “mga aso,” “New York City,” o kung tina-tag mo ang iyong mga larawan, pangalan ng isang tao.
  3. Kung walang lalabas sa iyong paghahanap, sumubok ng iba pang keyword o maghanap ulit pagkalipas ng 3–5 araw. Puwedeng matagalan bago maging nahahanap ang mga larawan.

Hakbang 3: Tingnan kung na-delete ang iyong larawan

  • Kung nasa trash pa rin ang iyong larawan, posible mo itong makuha ulit. Alamin kung paano mag-restore ng na-delete na larawan.
  • Kung nasa trash ang iyong larawan sa loob ng mahigit 60 araw, posibleng permanente nang na-delete ang larawan.
  • Kung gumagamit ka ng ibang photo app o gallery, at nag-delete ka roon ng mga larawan, posibleng na-delete mo ang iyong larawan bago ito na-back up ng Google Photos.

Sumubok ng iba pang paraan para mahanap ang iyong mga larawan

Tingnan kung naka-on ang pag-back up
  1. Sa iyong device, tiyaking naka-sign in ka sa tamang account.
  2. Sa itaas, mahahanap mo ang iyong status sa pag-back up.

Kung naka-on ang pag-back up

  • Posibleng nasa proseso pa ng pag-back up ang iyong larawan. Kung nakatanggap ka ng “Naghihintay na ma-back up” o numero sa iyong telepono, hindi pa naka-back up ang ilang larawan.
  • Tiyaking puwedeng i-back up ng Google Photos ang mga laki ng file ng iyong mga larawan o video. Matuto pa tungkol sa mga laki ng file.

Kung naka-off ang pag-back up

Mahalaga: Bago ka mag-delete ng mga larawan sa iyong device, tiyaking bigyang-daan ang Google Photos na i-back up muna ang iyong mga larawan. Alamin kung paano i-on ang pag-back up.

Kung nag-delete ka ng larawan sa iyong device, posibleng hindi mo ito ma-recover. Hindi nagba-back up kaagad ang Google Photos ng mga larawan.

Maghanap ng mga larawan mula sa mga app na tulad ng Facebook o Instagram
Kung hindi mo mahanap ang isang larawan sa Google Photos, posibleng nasa mga folder ito ng iyong device. Mahahanap mo lang ang mga folder ng iyong device sa telepono mo.
  1. Sa iyong device, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Library at pagkatapos ay Mga Album.
  3. Sa ilalim ng "Mga larawan sa device," tingnan ang mga folder ng iyong device.
Kung magba-back up ka ng mga folder ng device, mahahanap mo ang mga larawan mula sa ibang app sa photos.google.com. Alamin kung paano i-back up ang mga folder ng iyong device.
Maghanap ng naka-archive na larawan

Kung may hindi ka mahanap na screenshot o larawang hindi mo regular na tinitingnan, posibleng nasa archive mo ito. Alamin ang tungkol sa iyong archive.

  1. Sa iyong computer, buksan ang photos.google.com.
  2. I-click ang I-archive.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17349027530317077631
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false