Kung may Chromecast ka, puwede mong ipakita ang iyong mga larawan at video sa mas malaking screen.
Bago ka magsimula, siguraduhing nakakonekta ang iyong device sa Wi-Fi network kung saan nakakonekta ang Chromecast mo.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app .
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Piliin ang larawan o album na gusto mong i-cast, at pagkatapos, sa itaas, piliin ang I-cast .
- Piliin ang iyong Chromecast.
- Magbukas ng larawan o video sa iyong device para ipakita ito sa TV mo.
- Puwede kang magpalipat-lipat sa mga larawan para palitan kung ano ang ipinapakita.
Para ihinto ang pag-cast, i-tap ang Mag-cast Idiskonekta.