Gumawa ng mga video ng mga highlight
Mahalaga: Kasalukuyang hindi available ang feature na ito sa mga tablet o foldable device.
Sa Google Photos, mabilis kang makakagawa ng mga video ng mga highlight na may mga mahahalagang sandali mo. Piliin ang mga tao, lugar, tema, o petsa na gusto mong isama, at awtomatikong magagawa ang isang video ng mga highlight para sa iyo.
- Sa iyong Android phone, buksan ang Google Photos app .
- Sa ibaba, i-tap ang Library Mga Utility.
- Sa ilalim ng seksyong “Gumawa ng bago,” i-tap ang Video ng mga highlight.
- Piliin ang paksa ng iyong video ng mga highlight.
- Gamit ang Maghanap: Sa Box para sa paghahanap, mag-type ng ilang salita tungkol sa mga tao, lugar, tema, o petsa na isasama sa iyong video ng mga highlight. Halimbawa, "Birthday," "Museum," o "Japan."
- Gamit ang mga iminumungkahing tao, lugar, at time frame: Mula sa mga iminumungkahing item, piliin ang "Sino," "Saan," "Kailan," at higit pa.
- Sa itaas, i-tap ang Susunod.
- I-tap ang I-save.
Tip: Kung hindi mo nakikita ang mga tao o ang time frame na gusto mo sa mga suhestyon, i-tap ang Magdagdag ng tao o Hanay ng petsa .
Manual na gumawa ng video ng mga highlight
Kung mas luma ang iyong device, posibleng hindi ka makagawa ng mga video ng mga highlight.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Photos app .
- Sa ibaba, i-tap ang Library Mga Utility.
- Sa ilalim ng seksyong "Gumawa ng bago," i-tap ang Video ng mga highlight.
- Para piliin ang mga larawan at video na gusto mong isama sa video ng mga highlight, i-tap o piliin ang mga larawan.
- Piliin ang iyong mga larawan o video.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Gawin.
- Kapag tapos ka na, i-tap ang I-save.
- Para panoorin ang iyong video ng mga highlight, i-tap ang I-play o hintaying maabisuhan kapag handa na ang video ng mga highlight.
Mag-edit ng video ng mga highlight
- Sa iyong video ng mga highlight, i-tap ang I-edit
- Palitan ang musika: I-tap ang Musika .
- Baguhin ang pagkakasunud-sunod ng mga clip: I-tap at i-hold ang isang clip para i-drag ito sa ibang posisyon.
- Mag-alis ng mga clip: Sa tabi ng clip na gusto mong alisin, i-tap ang Higit pa Alisin.
- Kapag tapos ka na, i-tap ang I-save.
Kung magde-delete ka ng mga larawan o video mula sa Google Photos:
- Kung magde-delete ka ng larawan o video na nasa isa sa iyong mga video ng mga highlight, mananatili ang larawan o video na iyon sa video ng mga highlight maliban na lang kung ie-edit mo ang video ng mga highlight.
- Kung mag-e-edit ka ng video ng mga highlight na nagtatampok ng larawan o video na na-delete, awtomatikong maaalis ang item na iyon sa video ng mga highlight.
Gumawa ng mga animation
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Photos app .
- Sa ibaba, i-tap ang Library Mga Utility.
- Sa ilalim ng "Gumawa ng Bago," pumili ng Animation.
- Piliin ang mga larawang gusto mong ilagay sa iyong animation.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Gawin.
Gumawa ng cinematic na larawan
Mahalaga: Ang iyong device ay dapat na may kahit man lang 3 GB na RAM at Android 8.0 at mas bago.
- Sa Android phone o tablet mo, buksan ang Photos .
- I-tap ang gusto mong larawan.
- Mag-swipe pataas.
- I-tap ang Gumawa Cinematic na larawan.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang I-save.
Tip: Puwede ka ring gumawa ng mga Cinematic na larawan sa ibang paraan:
- Sa Android phone o tablet mo, buksan ang Photos .
- I-tap ang Library Mga Utility.
- Sa ilalim ng "Gumawa ng bago," i-tap ang Cinematic na larawan.
- Pumili ng larawan.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang I-save.
Hanapin ang iyong mga video ng mga highlight at animation
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Photos .
- Sa ibaba, i-tap ang Maghanap .
- Sa ilalim ng “Mga Gawa,” i-tap ang Mga naka-save na gawa.