I-edit at ibahagi ang iyong mga alaala

Awtomatikong isinasaayos ng Google Photos ang iyong mga larawan at video sa isang timeline ng mga makahulugang sandali. Puwede mong i-customize ang iyong mga alaala at ibahagi ang mga ito sa iba.

Mahalaga: Kung hindi mo makita ang view ng Mga Alaala, posibleng hindi ito available sa iyong bansa sa kasalukuyan. Magiging available ito sa buong mundo sa mga susunod na buwan.

Tungkol sa view ng Mga Alaala

Sa view ng Mga Alaala, puwede kang:

  • Tumingin ng timeline ng iyong mga makahulugang sandali.
  • I-save ang iyong mga tampok na alaala sa view ng Mga Alaala.
  • Gumawa ng mga bagong alaala.
  • Magdagdag o mag-alis ng mga larawan, mag-edit ng mga pamagat, at magdagdag ng mga petsa.
  • Gumawa ng mga nakabahaging alaala para makipag-collaborate sa iba.
Lumipat sa view ng Mga Alaala

Puwede kang tumingin ng na-curate na timeline ng mga alaala mo.

Para lumipat sa view ng Mga Alaala:

  1. Sa iyong device, buksan ang Photos app Photos.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Alaala.

Gumawa ng alaala

Mahalaga: Ise-save din bilang album ang mga bagong alaalang gagawin mo. Puwedeng lumabas sa iyong carousel ng mga itinatampok na alaala ang highlight ng album.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Photos app Photos.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Alaala.
  3. I-tap ang Magdagdag Idagdag.
  4. Piliin ang mga larawang gusto mong idagdag sa alaala.
  5. I-tap ang Magdagdag at pagkatapos ay Magdagdag ng pamagat.
  6. Para lumabas, i-tap ang Tapos na Tapos na.

Mag-edit ng alaala

I-edit ang pamagat
  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Photos app Photos.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Alaala.
  3. Piliin ang alaalang gusto mong i-edit.
  4. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-edit ang pamagat.

Tip: Puwede kang humiling ng tulong sa mga pamagat para sa mga kwalipikado mong alaala. Alamin pa ang tungkol sa mga suhestyong gawa ng AI.

Magdagdag ng mga larawan o video
  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Photos app Photos.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Alaala.
  3. Piliin ang alaalang gusto mong i-edit.
  4. I-tap ang Magdagdag ng mga larawan.
Idagdag ang mga kulang na araw

Puwede mong idagdag ang mga kulang na araw sa isang alaala para mailagay ang anumang kinuhang larawan sa araw na iyon.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Photos app Photos.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Alaala.
  3. Piliin ang alaalang gusto mong i-edit.
  4. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Idagdag ang mga kulang na araw.
  5. Piliin ang mga araw na gusto mong idagdag.
Alisin ang mga larawan o video
  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Photos app Photos.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Alaala.
  3. Piliin ang alaalang gusto mong i-edit.
  4. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-edit at pagkatapos ay I-delete .
  5. Para lumabas, i-tap ang Tapos na Tapos na.

Magbahagi ng alaala

Puwede mong ibahagi ang isang buong alaala para makapagdagdag ng mga larawan at video ang iba.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Photos app Photos.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Alaala.
  3. Piliin ang alaalang gusto mong ibahagi.
  4. I-tap ang Ibahagi.

Mag-alis ng alaala sa view ng Mga Alaala

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Photos app Photos.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Alaala.
  3. Piliin ang alaalang gusto mong alisin.
  4. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Alisin Alisin.

Mag-alis ng highlight ng alaala sa isang album

Mahalaga: Kapag nag-alis ka ng highlight, hindi nito dine-delete ang mga larawan sa alaala o ang mismong alaala.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Photos app Photos.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Alaala.
  3. Piliin ang alaalang gusto mong i-edit.
  4. I-tap ang Alisin.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12432614385400585940
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false