Tungkol sa iyong aktibidad at storage sa Google Photos

Ibabawas ang mga larawan o video na iba-back up mo sa Storage saver, Orihinal, o Express na kalidad sa 15 GB na cloud storage ng iyong Google Account o anumang karagdagang storage na posibleng binili mo bilang miyembro ng Google One. Kung hindi ka magiging aktibo sa Google Photos nang 2 taon o higit pa, o kung ubos na ang storage mo, posibleng ma-delete ang iyong content sa Photos.

Panatilihin ang iyong aktibidad sa Google Photos

Mahalaga: Nauugnay sa account, hindi sa device ang aktibidad. Tiyaking ginagamit mo ang Google Photos sa lahat ng account kung saan mo gustong manatiling aktibo.

Ang pinakasimpleng paraan para panatilihing aktibo ang iyong account ay ang pagpunta sa Google Photos sa web o sa pamamagitan ng app. Tiyaking naka-sign in ka at nakakonekta ka sa internet. Kabilang sa mga halimbawa ng aktibidad ang:

  • Aktibidad habang naka-sign in at online sa Google Photos sa Android, iOS, o web. Halimbawa, paggamit sa app para:
    • Tingnan ang iyong naka-back up na gallery
    • Magbahagi ng larawan o video
    • Gumawa ng album o photo book
  • Mag-back up ng larawan o video

Exempted ka rin sa pag-delete ng iyong mga larawan at video kung mayroon kang aktibong membership sa Google One na walang natitirang dapat bayaran o isyu sa quota.

Kung hindi ka magiging aktibo sa Google Photos nang 2 taon o higit pa, posibleng ma-delete sa Google Photos ang content mo. Bago mangyari iyon, gagawin namin ang sumusunod:

  • Bibigyan ka ng abiso sa pamamagitan ng email. Makikipag-ugnayan kami sa iyo nang hindi bababa sa 3 buwan bago maging kwalipikadong i-delete ang content. Kung naabisuhan kang hindi aktibo ang iyong account, sundan ang link sa email para mag-sign in sa Google Photos para panatilihing aktibo ang account mo.
  • Bibigyan ka ng pagkakataong mapigilan ang pag-delete (sa pamamagitan ng pagiging aktibo sa produkto).
  • Bibigyan ka ng pagkakataong i-download ang iyong content mula sa aming mga serbisyo. Matuto pa tungkol sa kung paano i-download ang iyong data sa Google.

Kung mananatili kang hindi aktibo nang 2 taon o higit pa:

  • Ide-delete at ipapadala sa trash ang iyong mga larawan at video.
    • Mananatili sa iyong trash nang 60 araw ang mga naka-back up na larawan at video na na-delete dahil sa pagiging hindi aktibo bago tuluyang i-delete ang mga ito.
  • Permanenteng ide-delete ang mga naka-back up na item sa iyong naka-lock na folder.

Puwede mong i-restore ang mga larawan ng isang album kung nasa trash mo pa ang mga iyon. Alamin kung paano i-restore ang iyong mga larawan.

Suriin ang iyong mga setting kung 2 taon na o higit pang hindi aktibo ang account mo Pagkatapos ma-delete ang iyong content dahil sa pagiging hindi aktibo, hindi mababago ang mga setting tulad ng Pag-back up at mga preference sa notification. Mare-reset ang iba pang setting, tulad ng mga setting ng pagbabahagi sa partner at mga grupo ng mukha. Alamin kung paano gumagana ang Mga Face Group.

I-back up ang mga item na dating na-delete dahil sa pagiging hindi aktibo

Pagkatapos ma-delete ang iyong content dahil sa pagiging hindi aktibo, hindi iba-back up ang mga lokal na kopya ng mga larawan at video.

Para i-enable ulit ang Pag-back up:

  • Sa iyong iPhone o iPad:
    1. I-uninstall, pagkatapos ay i-install ulit ang app.
    2. Mag-sign in sa Google Photos.
    3. I-on ang Pag-back up.
  • Sa iyong Android device: Mag-sign out sa Google Photos, pagkatapos ay mag-sign in ulit.

Matuto tungkol sa patakaran sa hindi aktibong Google Account.

Pamahalaan ang iyong storage

Mahalaga:

  • Kasama sa bawat Google Account ang 15 GB na storage na nakabahagi sa Gmail, Google Drive, at Google Photos.
  • Kung mayroon kang Pixel 5 o mas luma, makakatanggap ka ng unlimited na storage para sa mga larawan at video na na-back up mula sa iyong device nang libre. Matuto pa tungkol sa iyong mga opsyon sa storage.
  • Hindi ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang anumang larawan o video na na-back up mo sa Mataas na kalidad o Express na kalidad bago mag-Hunyo 1, 2021.
  • Ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na na-back up sa Orihinal na kalidad. Matuto pa tungkol sa mga opsyon sa pag-back up ng larawan at video.
  • Ibabawas sa storage ng Google Account mo ang mga larawang na-back up sa Orihinal na kalidad at pagkatapos ay na-compress sa Storage saver na kalidad (dating tinatawag na Mataas na kalidad).

Magagamit mo ang tool sa pag-manage ng storage para malaman kung gaano karaming espasyo ang natitira sa iyo, maglinis ng storage, at kumuha pa ng storage.

Sa partikular, magagawa mong:

  • Malaman kung gaano karaming storage ang natitira sa iyo.
  • Tantiyahin kung gaano posibleng magtatagal ang iyong storage batay sa kung gaano ka kadalas mag-back up ng mga item sa Google Account mo.
  • Suriin ang mga item na ibabawas sa iyong storage na posibleng gusto mong i-delete, gaya ng malalabong larawan, mga screenshot, at malalaking video.
  • Bumili pa ng storage sa pamamagitan ng isang plan sa Google One (kung saan available).

Posibleng maging hindi available ang isang pagtatantya sa gaano magtatagal ang iyong storage kung:

  • Hindi ka regular na nag-back up ng content sa loob ng nakaraang ilang buwan.
  • Malapit ka na sa iyong limitasyon sa storage at hindi kami makapagbigay ng tumpak na pagtatantiya sa timeline.
  • Ibinigay ang iyong account sa pamamagitan ng trabaho, paaralan, pamilya, o iba pang grupo.
  • Wala ka nang storage.

Kung wala ka nang storage o lampas ka na sa quota, hindi ka makakapag-back up ng mga karagdagang larawan at video. Kung 2 taon ka nang lampas sa quota, posibleng ma-delete ang iyong content sa Google Photos. Matuto pa tungkol sa iyong quota ng storage. Puwede kang magbakante ng storage space sa pamamagitan ng tool sa pamamahala ng storagestorage manager ng Google One, at Google Photos. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong storage space sa Google.

Kung gusto mo pa ng storage space para sa iyong mga alaala, puwede mong palawakin ang storage mo sa pamamagitan ng Google One (kung saan available). Sa US, nagsisimula ang mga plan sa $1.99 kada buwan para sa 100 GB na storage.
Alamin kung paano gumagana ang iyong Google Storage.

Humingi ng tulong sa iyong aktibidad at storage sa Google Photos

Tungkol sa mga hindi aktibong account sa G Suite/Workspace

Kung mayroon kang Workspace account, exempted ka sa pag-delete ng iyong ma larawan at video.

Alamin kung kailan made-delete ang iyong content

Kung mailalapat sa iyong account ang pagbabago sa patakarang ito, bibigyan ka namin ng sapat na abiso (hindi bababa sa 3 buwan) bago ma-delete ang content mo. Susubukan naming makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng email address mo at mga notification. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng mga email address para sa iyong Google Account.

Magpanatili ng content mula sa mahal mo sa buhay kapag pumanaw na siya

Kinikilala naming maraming tao ang pumapanaw nang hindi nag-iiwan ng malilinaw na tagubilin kung paano pamahalaan ang kanilang mga online na account. Puwedeng makipagtulungan ang Google sa mga malapit na kapamilya at kinatawan (sa mga partikular na sitwasyon) para magbigay ng content mula sa account ng pumanaw na user. Matuto pa tungkol sa aming proseso para sa pag-request ng data ng pumanaw na user.

Para maiwasan ang pag-delete dahil sa pagiging hindi aktibo, ipaalam sa amin kung paano papamahalaan ang iyong data sakaling mamatay o matagal na maging hindi aktibo ang may-ari. Matuto pa tungkol sa Inactive Account Manager.

I-reset ang iyong password para sa hindi aktibong account

Kung hindi mo maalala ang iyong password para sa account na bihira mong gamitin, i-verify ang pagkakakilanlan mo at i-reset ang iyong password gamit ang Pag-recover ng Google Account. Para sa higit pang tulong sa matagumpay na pag-sign in, sumangguni sa Mga tip sa pag-recover ng account.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13931889410447750029
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false