Mga update sa center sa mga pagbabayad

Ano'ng bago

Naglabas ang Center sa mga pagbabayad ng bagong user interface (UI) na pinagsasama-sama ang iyong mga Google Account sa iisang lokasyon. Puwede mong i-access ang iyong mga transaksyon sa negosyo at merchant mula sa payments.google.com.

Kung ginamit mo ang iyong pangnegosyo o pang-merchant na Google Account para magbayad ng produktong pang-consumer (tulad ng app o pelikula), o para magpadala ng pera sa isang kaibigan gamit ang Google Pay, makikita mo na ang aktibidad na ito sa Center sa mga pagbabayad.

Para i-adjust kung sino ang makakakita sa iyong account, suriin ang mga setting mo.

Negosyo vs merchant

May ilang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng negosyo at merchant:

  • Negosyo: Kung isa kang negosyo, babayaran mo ang Google para sa mga produkto at serbisyo gaya ng Ads, Cloud, atbp.
  • Merchant: Kung isa kang merchant, babayaran ka ng Google para sa mga app, extension, at serbisyong ibinibigay mo. Ang mga developer sa Google Play at developer sa Chrome Web Store ay mga merchant.

Ano ang Google Pay?

Ang Google Pay ay isang serbisyong pinagsasama-sama ang lahat ng iyong Google Account sa iisang lugar, na mas pinapadali ang pagbabayad gamit ang Google para sa mga pang-consumer na pagbili mo. Matuto pa tungkol sa Google Pay.

Mga madalas itanong

Puwede ko bang panatilihin ang kasalukuyang interface ng aking account?
Hindi. Ia-apply ang mga pag-upgrade sa lahat ng account sa Center sa mga pagbabayad.
Maaapektuhan ba ng pagbabagong ito ang mga pagbabayad sa mga serbisyo ng aking negosyo o mga pagbabayad sa akin bilang merchant?
Hindi babaguhin ng mga pag-upgrade ang mga pagbabayad sa mga serbisyo ng negosyo mo o mga pagbabayad sa iyo bilang merchant, kasama ang iyong threshold sa pagbabayad, mga buwis, o mga iskedyul ng pagbabayad.
Nagkakaproblema ako sa aking account. Ano ang puwede kong gawin?
Puwede kang maghanap sa Help Center na ito sa pamamagitan ng pag-type ng keyword na nauugnay sa iyong isyu sa box para sa paghahanap sa itaas ng page na ito. Kung nagkakaroon ka pa rin ng mga isyu, makipag-ugnayan sa amin.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7770415453721280153
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633573
false
false