Makikita mo rito ang impormasyon tungkol sa pamamahala ng mga order na ginawa mo para sa mga produkto at serbisyo ng Google.
Para tingnan ang mga order na ginawa mo sa pamamagitan ng Google at ang mga resibo ng mga ito:
- Mag-sign in sa pay.google.com.
- Hanapin ang iyong order. Kung hindi mo ito makita, i-click ang Tumingin pa ng mga transaksyon.
- Para buksan ang resibo, mag-click sa isang order.
Gumawa ng pagbabago sa iyong order
Makipag-ugnayan sa serbisyo ng Google o sa nagbebenta kung gusto mong:
- Magtanong tungkol sa iyong order
- Magbalik ng isang bagay o kumuha ng refund
- Magkansela ng order
Nasa ibaba ng resibo ng iyong order ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
Tandaan: Hindi maaalis o made-delete ang mga order mula sa listahan ng mga transaksyon sa Google Pay.
Mag-ayos ng mga problema sa mga order
Para ayusin ang karamihan ng mga problema sa mga order, makipag-ugnayan sa serbisyo ng Google o sa nagbebenta. Nasa ibaba ng resibo ng iyong order ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
Narito ang mga pag-aayos sa ilang karaniwang isyu.
- Mag-sign in sa pay.google.com.
- I-click ang iyong order. Kung hindi mo ito makita, i-click ang Tumingin pa ng mga transaksyon.
- Sa ilalim ng "Status," tingnan kung ang nakalagay ay Na-refund.
Kung nakakakita ka ng singilin para sa order sa iyong bank statement pagkatapos magkansela, isa itong nakabinbing pahintulot. Mawawala ito sa loob ng ilang araw.
Kung na-hold o nakansela ang iyong order at hindi ka sigurado kung bakit:
- Mag-sign in sa pay.google.com.
- I-click ang iyong order. Kung hindi mo ito makita, i-click ang Tumingin pa ng mga transaksyon.
- Dapat makakita ka ng dahilan sa tabi ng order.
- Kung nakansela ito dahil sa tinanggihang card, i-update ang impormasyon ng iyong card.
- Kung hindi ito nakansela dahil sa tinanggihang card, makipag-ugnayan sa team ng suporta ng nagbebenta (hal. Google Play). Karaniwan mong makikita ang impormasyong ito sa kanilang help center.