Mamahala ng mga umuulit na pagbabayad at subscription

Puwede kangmagbayad para sa mga umuulit na singil sa mga subscription at iba pang serbisyo sa pamamagitan ng pagbisita sa payments.google.com. Hindi mapapamahalaan ang impormasyon ng subscription mula sa Google Pay app o sa website ng Google Pay. 

Para makita ang iyong mga umuulit na singil:

  1. Mag-sign in sa Mga Subscription.
  2. Hanapin ang produktong gusto mong tingnan at i-tap o i-click ang Pamahalaan.

Unawain kung paano ka nagbabayad

Depende sa produkto o serbisyo ng Google, mapapabilang ang iyong mga umuulit na pagbabayad sa isa sa 4 na kategorya.

  • Mga awtomatikong pagbabayad: Kapag may kailangan kang bayarang partikular na halaga ng pera, awtomatikong sisingilin ang iyong paraan ng pagbabayad.
  • Mga awtomatikong buwanang pagbabayad: Sisingilin ang iyong paraan ng pagbabayad sa parehong oras bawat buwan.
  • Mga manual na pagbabayad: Puwede kang magbayad nang maaga para sa produkto o serbisyong makukuha o gagamitin mo sa ibang pagkakataon.
  • Buwanang pag-invoice: Pagkatapos mong makuha ang iyong buwanang invoice, babayaran mo ang bill sa loob ng itinakdang panahon.
  • Mga prepaid plan: Puwede kang magbayad para gumamit ng produkto o serbisyo sa isang nakatakdang panahon.
    • Hindi awtomatikong nagre-renew ang plan.
    • Puwede mong i-extend ang plan sa pamamagitan ng app o sa seksyong "Mga Subscription" ng Play Store app.

Pamahalaan ang iyong awtomatikong paraan ng pagbabayad

Baguhin ang iyong awtomatikong paraan ng pagbabayad
  1. Mag-sign in sa Mga Subscription.
  2. Hanapin ang subscription na gusto mong i-edit at i-click ang Pamahalaan.
  3. Sa ilalim ng card na kasalukuyan mong ginagamit para magbayad, i-click ang Baguhin ang paraan ng pagbabayad. Kung hindi mo makita ang opsyong ito, i-click ang Pamahalaan ang mga paraan ng pagbabayad.
  4. Pumili ng paraan ng pagbabayad.
  5. Piliin ang Isumite.
Magtakda ng backup na paraan ng pagbabayad
  1. Mag-sign in sa Mga Subscription.
  2. Hanapin ang subscription na gusto mong i-edit at i-click ang Pamahalaan.
  3. Sa ilalim ng card na kasalukuyan mong ginagamit para magbayad, i-click ang Baguhin ang paraan ng pagbabayad. Kung hindi mo makita ang opsyong ito, i-click ang Pamahalaan ang mga paraan ng pagbabayad.
  4. Piliin ang I-update ang backup na paraan ng pagbabayad.
  5. Pumili ng paraan ng pagbabayad.
  6. Piliin ang Isumite

Tandaan: Hindi magagamit para sa mga subscription ang ilang paraan ng pagbabayad.

Magkansela ng subscription

Kung magkakansela ka ng subscription, hindi mare-refund ang anumang ibinayad mo. Hindi mababawi ang mga pagkansela, ngunit maaari kang mag-subscribe muli anumang oras.

Magkansela ng subscription sa Google Play Magkansela ng iba pang subscription

Puwede kang magkansela ng ilang subscription sa Google Pay.

  1. Mag-sign in sa Mga Subscription.
  2. Hanapin ang subscription na gusto mong kanselahin at i-tap o i-click ang Pamahalaan.
  3. Piliin ang Kanselahin ang subscription.
    • Kung hindi mo mahanap ang opsyong ito, i-click ang Pamahalaan ang subscription para pumunta sa produkto ng Google kung saan ka nag-subscribe. Puwede mong kanselahin doon ang subscription.
    • Kung hindi mo mahanap ang alinmang opsyon, magkansela sa pamamagitan ng provider ng subscription.
Hanapin ang mga nakanselang subscription
  1. Mag-sign in sa Mga Subscription.
  2. Sa itaas ng page, piliin ang Nakansela.

Magbayad nang maaga

Para sa ilang umuulit na singil kung gusto mong maagang magbayad ng bill, puwede kang direktang magbayad mula sa iyong profile sa mga pagbabayad.

  1. Mag-sign in sa Mga Subscription.
  2. Hanapin ang subscription na may singiling gusto mong bayaran at i-tap o i-click ang Pamahalaan.
  3. Piliin ang Magbayad nang maaga.
Mag-extend ng prepaid plan
Puwede mong piliing i-extend ang iyong plan kung ayaw mong gawing umuulit na pagbabayad ang iyong prepaid plan.
Para mag-extend ng prepaid na plan ng subscription mula sa Mga Subscription:
  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Tiyaking naka-sign in ka sa tamang Google Account.
  3. I-tap ang Mga pagbabayad at subscription at pagkatapos ay Mga Subscription.
  4. Sa prepaid plan na gusto mong i-extend, i-tap ang I-extend.
Para mag-extend ng prepaid na plan ng subscription mula sa page ng mga detalye ng app:
  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Tiyaking naka-sign in ka sa tamang Google Account.
  3. Hanapin at buksan ang app na may prepaid plan na gusto mong i-extend.
  4. I-tap ang Pamahalaan ang subscription at pagkatapos ay I-extend.
Tip: Kung ia-uninstall mo ang app, hindi makakansela ang iyong prepaid plan.
Android Computer

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
270264604727777428
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5150109
false
false