Newsletter ng Google for Nonprofits l Hunyo 2019

Ano'ng bago ngayong buwan?

Alam mo bang puwedeng mag-apply ang mga nonprofit para sa mga libreng credit sa Google Maps Platform?

Gamit ang Google Earth at Maps, magagawa ng mga nonprofit na subaybayan at ibahagi ang epekto ng kanilang mga proyekto, gumawa ng mga mapa ng donor, tulungan ang mga tagasuporta na humanap ng mga programa sa komunidad, at marami pa. Magparehistro para sa livestream na pagsasanay sa ika-22 ng Hulyo, 11AM PST para matuto pa mula sa mga eksperto sa produkto ng Google.

Panayam sa Global Head ng Ad Grants

Nagbabahagi ng higit pa si Michelle Hurtado, Global Head ng Ad Grants, tungkol sa pangako ng Google sa sektor ng nonprofit, mga kamakailang pagbabago sa programa, at mga tip para masulit ang Google Ads.

Mag-host ng livestream sa YouTube para sanayin ang mga volunteer

Nasa maraming magkakaibang lokasyon ba ang mga volunteer mo? O baka wala ka ng tamang space para mag-host ng pagsasanay. Makakatulong ang pag-host ng livestream na pagsasanay sa YouTube na magsanay ng maraming volunteer, saanman sa mundo.  Madali lang magsimula. Matuto pa sa interactive na kursong ito.


Mga Tip at Trick

Kumonekta sa iyong audience gamit ang YouTube

Ibinabahagi ni Carrie Bloxson, CMO at Head of Impact sa DoSomething.org, ang kanyang mga tip at trick sa paggawa ng kapaki-pakinabang na content sa YouTube.

Magsulat ngayon, ipadala sa ibang pagkakataon

Sa Gmail, pwede mo na ngayong iiskedyul sa ibang petsa at oras ang pagpapadala ng iyong mga email.


Mga Kuwento ng Nonprofit

Ginagamit ng HAkA, isang conservation NGO sa Indonesia, ang mga tool sa pagmamapa ng Google para protektahan ang Leuser Ecosystem, ang huling lugar sa mundo kung saan sama-samang namumuhay sa kagubatan ang mga orangutan, rhino, elepante, at tigre. Alamin ang mga detalye sa kanilang case story.


Kung mayroon kang Google for Nonprofits account, puwede kang mag-sign up para makatanggap ng mga newsletter sa pamamagitan ng pag-update ng iyong mga kagustuhan sa email dito at paglalagay ng check sa box sa tabi ng 'Mga Newsletter.' 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Sign-up to receive the Google for Nonprofits newsletter

Get the monthly Google for Nonprofits newsletter directly to your inbox.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9143842714840086533
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false