Newsletter ng Google for Nonprofits | Disyembre 2018

Habang patapos na tayo sa 2018, nasasabik na kaming ilunsad ang unang opisyal na newsletter ng Google for Nonprofits! Sa newsletter na ito, maaasahan mong makakuha ng mga update tungkol sa product suite ng Google, pakikipagtulungan namin sa mga nonprofit, mga tip at trick para magamit nang matagumpay ang mga produkto ng Google, at mga case study na nagtatampok ng iba pang nonprofit sa programa.


Ano'ng Bago?

Alamin kung paano ka matutulungan ng YouTube na palakihin ang iyong epekto

Maging bihasa sa mga pangunahing kaalaman sa mahusay na pagkukuwento gamit ang video sa YouTube sa pamamagitan ng mga simpleng tip, video na nakakapagbigay ng inspirasyon, at araling iniangkop para sa paggawa ng social impact. Bisitahin ang seksyong “Paano Gawin” ng site ng YouTube Social Impact para matuto pa.

Gumamit ng detalyadong data ng pagmamapa para ibahagi ang kwento ng iyong nonprofit

Ang mga tool ng Google sa pagmamapa ay kapaki-pakinabang para sa mga nonprofit na gustong ibahagi ang kanilang kwento gamit ang data at koleksyon ng imahe ng geo-location. Ngayon, puwede nang mag-apply para sa mga karagdagang credit ang mga nonprofit na gustong magsaliksik pa sa Google Maps Platform. Tumingin ng case study ng nonprofit sa Google Maps Platform.

Protektahan sa mga pag-atake ang Google Accounts ng iyong nonprofit

Iniingatan ng Programang Advanced na Proteksyon ng Google ang mga personal na Google Account ng sinumang nanganganib sa mga naka-target na pag-atake - tulad ng mga aktibista, mamamahayag, o pinuno ng komunidad. Para protektahan ang iyong network ng nonprofit at affiliate, mag-apply para sa grant para sa mga security key nang libre (limitadong spot); may mga available din na code ng diskwento.

Tingnan ang Data Solutions for Change, isang program sa mga credit ng Cloud

Gumagawa man ito ng mga sustainable na system ng pagkain o lumulutas ng kawalan ng trabaho, gumagamit ang mga nonprofit sa buong mundo ng Google Cloud para harapin ang mga hamon sa totoong buhay. Ang program ng Data Solutions for Change ang iyong pagkakataong mag-apply para sa mga credit ng Google Cloud Platform at gumamit ng analytics ng data at ML para gumawa ng epekto. Matuto pa tungkol sa program at mag-apply dito.


Mga Tip at Trick

Gumawa ng propesyonal na website nang wala pang sampung minuto

Nagpapatakbo pa rin nang walang propesyonal na pampublikong website para sa iyong nonprofit? Nag-aalok ang Google My Business ng tagabuo ng website nang libre, na magpapadali para sa iyong gumawa at mag-edit ng website mo mula sa computer o telepono. Matuto pa tungkol sa paggawa ng iyong sariling website dito.

Makakuha ng mga 5 minutong tutorial sa mga paksa tungkol sa negosyo at marketing

Binubuo ang iyong propesyonal na kakayahan? Nagbibigay ang Primer app ng mabilis at madaling paraan para matuto ng mga skill sa negosyo at marketing nang libre sa pamamagitan ng maiikli at walang jargon na aralin. Maingat na na-curate ang content ng Primer ng maliit na Google team na nakikipag-partner sa mga nangungunang eksperto sa industriya. Matuto pa tungkol sa Primer dito.



Mga Kwento ng Nonprofit

Paano ginagamit ng mga nonprofit tulad ng California Academy of Sciences at Samasource ang G Suite para gumawa ng epekto?

Ipinakita ang Google for Nonprofits kasama sina Jeremy Young at Jaime Lemus sa conference ng 2018 Cloud Next ng Google. Tinalakay ni Jeremy kung paano gumagamit ang Samasource ng G Suite para bigyang-daan ang tuloy-tuloy na pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan ng US at mga international na tanggapan. Ipinaliwanag ni Jaime kung paano nakatulong ang paglipat ng Cal Academy sa G Suite na i-streamline ang mga pagpapatakbo ng IT. Mag-click dito para sa presentation.


Gustong ibahagi ang kwento kung paano gumagamit ng mga produkto ng Google ang iyong nonprofit?

Isumite ang iyong impormasyon sa pamamagitan ng form na ito at puwede kang maitampok sa newsletter o video ng Google for Nonprofits sa hinaharap.

 

Tingnan ang blog, TwitterFacebook, at channel sa YouTube ng Google for Nonprofits


Kung mayroon kang Google for Nonprofits account na puwede kang mag-sign up para makatanggap ng mga newsletter sa pamamagitan ng pag-update ng iyong mga kagustuhan sa email dito at paglalagay ng check sa kahon sa tabi ng 'Mga Newsletter'. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Sign-up to receive the Google for Nonprofits newsletter

Get the monthly Google for Nonprofits newsletter directly to your inbox.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13118130136009103980
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false