Notification

Nag-anunsyo kami kamakailan ng update sa mga page ng publication. Pakibasa rito ang higit pang impormasyon.

FAQ tungkol sa Publisher Center

Paano ko maa-access ang Publisher Center?

Bilang bagong publisher, dapat kang gumawa ng organisasyon, itakda ang iyong mga setting, at i-set up ang publication mo. Para matuto pa, pumunta sa Pangkalahatang-ideya sa Publisher Center at matutunan kung paano isumite ang iyong content. Para ma-access ang Publisher Center at makapagsimula. pumunta sa homepage.

Kung mayroon ka dating edisyon sa Producer tool o source sa dating Publisher Center, makikita mo pa rin ang iyong organisasyon at mga publication sa bagong Publisher Center. Mayroon kang ganap na kontrol sa pag-edit at pag-delete ng kahit anong makikita mo sa Publisher Center.

Sino ang may access sa impormasyon ko sa Publisher Center ?

Magagawa mong ma-access ang iyong organisasyon at mga publication gamit ang mga kasalukuyan mong kredensyal. Doon mo mapapamahalaan ang access ng iyong user sa Publisher Center.

Paano ko malalaman kung kwalipikadong lumabas sa Google News ang content ko?

Hindi na kailangang mag-apply ng mga publisher para maisama sa Index ng News. Kwalipikadong maisaalang-alang na maisama sa aming mga surface ng balita ang mga publisher na sumusunod sa aming mga patakaran sa content. Kung dati ka nang nag-apply at natanggap, hindi mo kailangang gumawa ng anumang pagbabago. Para matuto pa, pumunta sa Tulungan ang Google News na tuklasin ang iyong content na na-crawl sa web.

Kung idaragdag ko ang aking site sa bagong Google Publisher Center, ibig sabihin ba noon ay kasama na ako sa Google News?

Layunin ng bagong Google Publisher Center na tulungan ang mga publisher na mas madaling pangasiwaan ang mga tungkulin ng publisher na nauugnay sa Google News. Walang kaugnayan ang paggamit ng Publisher Center sa pagiging kwalipikadong maisama ng iyong content sa mga surface ng balita sa buong Google. Para matuto pa, pumunta sa Lumabas sa Google News. 

Paano ako makakapag-opt out sa paglabas sa Google News?

Gumamit ng robots.txt file para lubos na makontrol ang mga bahagi ng iyong site na lumalabas sa Google Search at Google News. Puwede mong i-block ang access sa mga sumusunod na paraan:
 
  • Para hindi lang lumabas sa Google News ang iyong site, i-block ang access sa Googlebot-News gamit ang isang robots.txt file.
  • Para hindi lumabas ang iyong site sa Google News at Google Search, i-block ang access sa Googlebot gamit ang isang robots.txt file.
     

Para matuto pa, pumunta sa aming kumpletong tagubilin sa I-block ang access sa content sa iyong site.

Paano nito maaapektuhan ang aking trapikong nagmumula sa Google?

Pinapahusay namin ang proseso ng ranking araw-araw. Sa pamamagitan ng balita, layunin naming maihatid ang pinakamahalaga at napapanahong impormasyon mula sa iba't ibang pananaw. Kwalipikadong maisaalang-alang na maisama sa aming mga surface ng balita ang mga publisher na naghahatid ng content na nagbibigay ng kaalaman, napapanahon, orihinal, nauugnay, at sumusunod sa aming mga patakaran sa content.

Paano ipinapatupad ng Google ang mga patakaran nito sa content?

Mayroon pa ring mahalagang tungkulin ang mga patakaran sa content ng Google sa pagbibigay ng de-kalidad na karanasan para sa mga user at publisher. Nagsasagawa ang Google ng mga hakbang para matiyak na ang mga artikulong lumalabas sa aming mga karanasan sa balita ay sumusunod sa aming mga patakaran sa content, na may mga kinakailangan para sa transparency at accountability.
true
New Publisher Center

Google launched a new Publisher Center interface to help publishers easily manage how their content appears across Google News surfaces. Read more on this FAQ page and our blog post.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11298651391014995590
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100499
false
false