Notification

I-boost ang iyong experience sa pagmemensahe gamit ang RCS. Alamin kung paano i-on ang mga RCS chat.

Mas maraming magawa sa Google Messages

Kapag ginamit mo ang Google Messages, hindi lang pagpapadala ng mga text ang puwede mong gawin.

Sumagot sa isang mensahe

Puwede kang magpadala ng mga sagot sa mga mensahe. Kapag nagpadala ka ng sagot sa isang partikular na mensahe sa isang pag-uusap, mako-quote ang content ng orihinal na mensahe kasama ng iyong sagot

Mahalaga: Kung gumagamit ka ng computer, puwede mong tingnan ang mga sagot sa mga mensahe, pero hindi ka makakapagpadala ng mga sagot. Available lang ang mga sagot kung na-on mo ang mga feature ng chat. Matuto pa tungkol sa mga feature ng chat.

  1. Buksan ang Google Messages app .
  2. I-tap at i-hold ang mensaheng gusto mong sagutin sa isang pag-uusap.  
  3. I-tap ang arrow sa pagsagot .
  4. I-type ang iyong mensahe.

Mamahala ng mga paalala para sa iyong mga mensahe

Magtakda ng paalala para sa isang mensahe

Magtakda ng paalala para sa isang mensahe:

  1. Buksan ang Google Messages .
  2. Pumunta sa mensaheng gusto mong gawan ng paalala.
  3. I-tap at i-hold ang mensahe.
  4. I-tap ang Paalala .
  5. Pumili ng opsyon.

Tip: Para mag-set up ng paalala mula sa iyong listahan ng pag-uusap, i-tap at i-hold ang isang pag-uusap.

Mag-edit o mag-delete ng paalala

  1. Buksan ang Google Messages .
  2. Sa kanan ng mensahe o pag-uusap, i-tap ang Paalala .
  3. Para i-edit ang paalala, pumili ng bagong oras. 
  4. Para i-delete ang paalala. i-tap ang I-delete

Makatanggap ng code sa pag-verify mula sa isang mensahe

Nagpapadala sa iyo ang ilang app at website ng code sa pag-verify, code na panseguridad, o pang-isahang beses na password na magagamit para mag-sign in o makumpirma ang pagkakakilanlan mo.

Kopyahin ang code mula sa isang mensahe

  1. Buksan ang Google Messages .
  2. Magbukas ng mensahe na may code sa pag-verify.
  3. I-click ang Kopyahin ang {Code}.
  4. Sa app o website, i-paste ang code.
Tip: Hindi natitingnan ng Google ang iyong mga mensahe o code sa pag-verify. Hindi ipinapadala ang mga ito sa mga server ng Google bilang bahagi ng feature na ito.

Maghanap ng mga mensahe, larawan, lugar, at higit pa

Maghanap sa mga mensahe

  1. Buksan ang Google Messages .
  2. I-tap ang Maghanap Maghanap.
  3. Ilagay ang iyong mga termino para sa paghahanap. Puwede kang gumamit ng mga filter para limitahan ang iyong paghahanap. 

Tip: Para alisin ang mga preview, i-off ang mga preview ng link sa mga setting.

Mag-iskedyul ng mga mensaheng ipapadala sa ibang pagkakataon

Mag-iskedyul ng mga mensahe

Mahalaga: Puwede kang mag-iskedyul ng mga mensaheng ipapadala sa mga teleponong gumagamit ng Android 7 at mas bago. Kung hindi nakakonekta ang iyong telepono sa Wi-Fi o data sa nakaiskedyul na oras, ipapadala ang mensahe mo kapag nakakonekta na ulit ang iyong device.
  1. Buksan ang Google Messages .
  2. Magbukas ng pag-uusap.
  3. Ilagay ang iyong mensahe.
  4. Pindutin nang matagal ang Ipadala Ipadala.
  5. Pumili sa mga suhestyon. 
    • Opsyonal: Kung pipili ka ng sarili mong petsa at oras, may bubukas na kalendaryo. Kapag nakapili ka na ng petsa, may bubukas na orasan para makapili ka ng oras. I-tap ang Susunod.
  6. I-tap ang Ipadala Ipadala.
Tip: Kung magbubukas ka ng pag-uusap na may nakaiskedyul na mensahe, may lalabas na notification na “Nakaiskedyul na mensahe.”

Mag-edit, magpadala, o mag-delete ng nakaiskedyul na mensahe

  1. Buksan ang Google Messages .
  2. Buksan ang pag-uusap na may nakaiskedyul na mensahe.
  3. Sa tabi ng nakaiskedyul na mensahe, i-tap ang Iskedyul .
  4. Puwede mong i-update, ipadala, o i-delete ang nakaiskedyul na mensahe.

Mas palakihin ang isang mensahe

Mag-zoom in sa isang mensahe para dagdagan ang laki ng text

  1. Buksan ang Google Messages .
  2. Pumunta sa isang pag-uusap at pumili ng mensahe.
  3. I-pinch para mag-zoom in sa mensahe at mas palakihin ang text.

Tip: Para ibalik ang laki ng text sa default na setting, i-pinch para mag-zoom out.

Alamin kung paano palitan ang mga setting ng iyong display sa Android.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13082249452646161998
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
97587
false
false