Magdagdag o mag-alis ng mga tao sa isang meeting sa Google Meet

Puwede kang magdagdag ng mga tao sa isang video meeting sa Google Meet bago o pagkatapos magsimula ang meeting. Puwede ka ring mag-alis ng mga tao habang may video meeting. 

Kailangan ng ilang tao na humiling ng pahintulot bago sila makasali sa video meeting. Para sa mga detalye, pumunta sa Sumali sa isang video meeting.

Magdagdag ng mga tao sa isang video meeting sa kasalukuyan

Magdagdag ng mga tao sa isang meeting

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Tao Mga Tao at pagkatapos ay Magdagdag ng mga tao Magdagdag ng mga tao.
  2. Ilagay ang pangalan o email address at pagkatapos ay Magpadala ng email.

Ibahagi ang impormasyon sa pagsali

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang mga detalye ng meeting  .
  2. I-click ang Kopyahin ang impormasyon sa pagsali.
  3. I-paste ang mga detalye ng meeting sa isang email, o sa iba pang app, at ipadala.

Magdagdag ng kalahok sa telepono sa isang meeting sa kasalukuyan

Puwede kang magdagdag ng isang tao sa pamamagitan ng telepono sa isang video meeting sa Google Meet sa ilang partikular na bansa at rehiyon.

  1. Kapag nakasali ka na sa meeting, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Tao  Mga Tao.
  2. I-click ang Magdagdag ng mga tao Magdagdag ng mga tao at pagkatapos ay Tumawag Tumawag .
  3. Sa window, piliin ang bansang tatawagan mo para maidagdag ang country code at ilagay ang numero ng telepono ng taong gusto mong tawagan.
  4. I-click ang Tawagan Tumawag.

Mga sinusuportahang bansa at rehiyon

Para sa isang kumpletong listahan ng mga bansa at rehiyon, tingnan ang Mga sinusuportahang bansa para sa pagdaragdag ng mga bisita sa pamamagitan ng telepono.

Tumanggap ng kalahok nang maramihan sa isang meeting sa Google Meet 

Puwede kang tumanggap ng kalahok at mag-aaral nang maramihan sa isang meeting sa Google Meet. Organizer ng meeting lang ang makakakita o makakapag-apruba ng mga kahilingan para sumali sa isang meeting. Dapat manatili sa meeting ang organizer ng meeting para mag-apruba ng mga kahilingan.

  1. Kapag may lumabas na kahilingan para sumali sa meeting, i-click ang Tanggapin o Huwag tanggapin.
  2. I-click ang Tingnan lahat kapag marami kang kalahok na naghihintay na makasali sa meeting. Pumili ng opsyon:
    • Sa tabi ng pangalan, i-click ang Tanggapin o Tanggihan ang pagpasok para paisa-isang tanggapin o tanggihan ang mga kalahok.
    • I-click ang Tanggapin lahat o Tanggihan lahat para sabay-sabay na tanggapin o tanggihan ang mga kalahok.

Mag-alis ng mga tao habang may video meeting

Mahalaga: Para sa mga meeting kung saan naka-on ang Pamamahala ng Host, host o co-host lang ng meeting ang puwedeng mag-alis ng ibang kalahok sa kasalukuyang meeting. Kung naka-off ang Pamamahala ng Host, puwedeng mag-alis ng kalahok ang sinumang nasa domain ng organizer ng meeting.

Mag-alis ng mga kalahok sa meeting o presentation

  1. Mag-hover sa tile ng isang tao o presentation.
  2. I-click ang Higit pang opsyon  at pagkatapos ay Alisin sa tawag.

Mag-alis ng mga kalahok o presentation na wala sa layout

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Ipakita ang lahat People Tab.
  2. Sa tabi ng kalahok na gusto mong alisin, i-click ang Higit pang pagkilos More.
  3. Piliin ang Alisin sa tawag.
  4. Sa magbubukas na kahon, pumili ng isa o higit pa sa mga sumusunod na opsyon:
  • Para mag-alis lang ng kalahok, piliin ang Alisin.
  • Para mag-alis ng kalahok at markahan siyang mapang-abuso, piliin ang Punan ang ulat sa pang-aabuso.
  • Para tiyaking hindi na makakasali ulit sa meeting ang isang kalahok, piliin ang I-block.
    • Mahalaga: Kung magba-block ka ng user, iba-block lang siya sa kasalukuyang meeting o mga kasabay na meeting na gumagamit ng parehong code ng meeting. Puwede pa rin siyang sumali sa ibang meeting na iho-host mo. Para payagan ang mga user na sumali ulit sa meeting kung saan naka-block sila, dapat silang manual na imbitahan ulit sa meeting.

Mga user ng Google Workspace for Education: Kung dalawang beses nang tatanggihan ang kahilingan ng kalahok na sumali sa meeting, hindi na siya ulit makakahiling na sumali sa meeting. Sa mga ganitong sitwasyon, puwedeng manual siyang imbitahan ng organizer ng meeting na bumalik sa meeting.

Tapusin ang meeting para sa lahat

Mahalaga:Dapat ay naka-on ang Pamamahala ng Host para magamit ang Tapusin ang meeting para sa lahat.

Magagawa ng mga host na tapusin ang meeting para sa lahat sa isang meeting sa Google Meet. Tatapusin ng "Tapusin ang meeting para sa lahat" ang meeting at awtomatikong aalisin ang lahat ng kalahok, para hindi na kailangang manual na alisin ng mga host ang mga kalahok.

Pinakamahuhusay na kagawian

  • Puwedeng i-access ng mga kalahok ang link ng meeting para sa isang natapos nang meeting, pero hindi sila makakasali hangga't hindi sinisimulan ulit ng host ng meeting ang meeting. Awtomatikong sisimulan ulit ang meeting kapag sumali na ulit ang host.
  • Para matiyak na hindi maa-access ng mga mag-aaral ang feature na tapusin ang meeting para magsimula o tumapos ng mga meeting, puwedeng i-off ng mga admin ang setting na "Gumawa ng meeting" para sa mga mag-aaral
  • Magagawa ng ilang admin ng Workspace sa ilang edisyon ng Workspace na tapusin ang isang meeting gamit ang Tool sa Pagsisiyasat para sa Seguridad. Alamin kung paano gamitin ang tool sa pagsisiyasat.
  • Gumawa ng bagong meeting sa tuwing gusto mong makipag-meeting sa ibang grupo ng mga kalahok. Kapag sinimulan mo ulit ang isang natapos nang meeting, puwedeng sumali ang lahat ng dating kalahok.

Para tapusin ang isang meeting para sa lahat:

  1. Sa ibaba, i-click ang Umalis sa tawag Tapusin ang tawag.
  2. Sa lalabas na window, i-click ang Tapusin ang meeting para sa lahat.
  3. Para umalis sa meeting pero hindi ito tapusin para sa lahat, i-click ang Umalis sa meeting.

Tip: Kapag tinapos ang meeting para sa lahat, matatapos din ang anumang nakabukas na kuwarto para sa breakout. Kung maraming nakabukas na Kuwarto para sa breakout, mauunang matapos ang pangunahing kuwarto at posibleng abutin nang ilang minuto bago matapos ang lahat ng iba pang Kuwarto para sa breakout. 

 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5583803525671635501
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false