Payagan ang mga notification mula sa Meet at Chat

Para makatanggap ng mga notification mula sa Meet at Chat, dapat payagan ang mga notification sa mga setting ng iyong browser.

Payagan ang mga notification sa Meet at Chat sa Chrome

Bilang default, inaalertuhan ka ng Chrome kapag gusto kang padalhan ng mga notification ng isang website, app o extension. Mababago mo ang setting na ito anumang oras.

Kung nagba-browse ka sa Incognito mode, hindi ka makakatanggap ng mga notification.

I-update ang mga setting ng notification sa Chrome

Kung na-off mo ang mga notification para sa Meet at Chat, puwede mong i-on ulit ang mga ito.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Privacy at seguridad," i-click ang Mga setting ng site.
  4. I-click ang Mga Notification.
  5. Piliin ang entry ng Meet o Chat at i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Payagan. Halimbawa:
    • Meet—https://meet.google.com:443
    • Chat​—http://mail.google.com:443

Tingnan din ang Baguhin ang mga pahintulot sa site.

Payagan ang mga notification sa Meet at Chat sa ibang browser

Kung gumagamit ka ng produktong sumusuporta sa mga karagdagang web browser, gaya ng Chat, dapat mong i-on ang mga notification para sa produktong iyon sa browser mo. Ang bawat browser ay nangangailangan ng iba't ibang hakbang para sa pag-on ng mga notification; tingnan ang online na tulong para sa iyong browser para sa higit pang impormasyon. 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2460621443827296595
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false