Puwede kang magpadala ng video o voice message gamit ang Meet, iyon man ay para ipagpatuloy ang isang pag-uusap sa buong araw o para mag-iwan ng mensahe kung hindi nakasagot sa tawag sa Meet ang isang tao. Puwedeng hanggang 30 segundo ang haba ng mensaheng ito. Puwede ka ring gumawa at magpadala ng naka-personalize na tala.
Habang patuloy naming pinapaganda ang kabuuang experience sa Google Assistant, hindi na sinusuportahan ng Assistant ang mga feature na hindi masyadong nagagamit, gaya ng mga video o audio message. Alamin kung paano namin pinapahusay ang mga feature ng Google Assistant.
Mag-play ng mensahe
Mahalaga: Ang mga papasok na one-on-one na mensahe lang ang makikita sa iyong computer. Makikita lang ang mga sumusunod na uri ng mensahe sa Meet app:
- Mga panggrupong mensahe
- Mga ipinadalang mensahe
- Mga Emoji
- Mga Sandali
- Mga Reaksyon
- Sa iyong computer, pumunta sa meet.google.com/calling/.
- Kung ire-redirect ka paalis sa duo.google.com, dapat kang mag-sign in sa Meet, pagkatapos ay dapat mong buksan ulit ang duo.google.com sa iyong browser.
- Maghanap ng contact.
- I-click ang contact.
- Sa bubukas na window, i-click ang mensaheng gusto mong i-play.
- Pumili ng opsyon:
- I-download ang mensahe
- I-delete ang mensahe
- Tawagan ang taong iyon
Mga Tip:
- Maliban kung babaguhin mo ang iyong Mga setting ng pagtawag para awtomatikong i-delete ang mga mensahe pagkatapos ng 24 na oras, puwede kang mag-replay ng mensahe anumang oras.
- Kapag nag-download ka ng mensahe, mase-save ito sa iyong computer.
Para awtomatikong i-delete ang mga mensahe pagkalipas ng 24 na oras:
- Sa iyong computer, pumunta sa meet.google.com/calling/.
- Kung ire-redirect ka paalis sa duo.google.com, dapat kang mag-sign in sa Meet, pagkatapos ay dapat mong buksan ulit ang duo.google.com sa iyong browser.
- Sa kanang bahagi itaas, i-click ang Mga Setting
.
- I-off ang I-save ang mga mensahe.
Tip: Kung ide-delete mo ang iyong Meet account, made-delete ang anumang hindi na-save na mensahe.