Mag-copresent sa Slides sa Google Meet


               

Gusto mo ba ng mga advanced na feature ng Google Workspace para sa iyong negosyo?

Subukan ang Google Workspace ngayon!

 

 

Mga edisyon ng Workspace na nakakakontrol sa Slides sa Google Meet
  • Workspace Individual
  • Business Standard
  • Business Plus
  • Enterprise Essentials
  • Enterprise Starter
  • Enterprise Standard
  • Enterprise Plus
  • Education Plus
  • Teaching & Learning Upgrade

Kapag ginamit mo ang Google Meet sa isang kwalipikadong account sa trabaho o pampaaralang account, makokontrol mo ang mga presentation sa Google Slides mula sa isang video meeting. Puwede mo ring gawing mga co-presenter ang iba pang tao sa video meeting.

Mahalaga: Para makontrol ang isang presentation sa Google Slides mula sa isang video meeting sa Google Meet, dapat kang gumamit ng computer na may Chrome o Edge browser.

Maging isang pangunahing presenter

Ang pangunahing presenter ay isang taong nagpe-present ng kanyang presentation sa Google Slides mula sa isang Meeting.

  1. Sa iyong computer, magbukas ng Chrome o Edge browser.
  2. Sa browser, buksan ang file na gusto mong i-present sa Slides.
  3. Sa ibang tab, sumali sa isang video meeting sa Google Meet.
  4. Sa ibaba ng screen ng meeting, i-click ang Mag-present ngayon at pagkatapos ay Isang Tab.
    • Tip: Para gumana ang pag-copresent, kailangan ay ibahagi ang iyong presentation bilang isang tab. Kung magbabahagi ka ng window o kung ibabahagi mo ang iyong buong screen, hindi gagana ang pag-copresent.
  5. I-click ang tab kung nasaan ang presentation sa Slides at pagkatapos ay Ibahagi.
  6. Sa Google Meet, mag-hover sa pine-present na tile.
  7. I-click ang Simulan ang slideshow.
    • Makokontrol mo lang ang isang presentation at ang mga co-presenter sa Google Meet kapag nasa slideshow mode ka.
    • Kung may ibang presenter na magsisimula ng bagong presentation, siya ang magiging pangunahing presenter at maki-clear ang lahat ng kasalukuyang co-presenter.
Tungkulin ng pangunahing presenter

Magagawa mong kontrolin ang presentation gamit ang control panel sa ibaba ng tile at magtalaga ng mga co-presenter.

  • Para baguhin ang kasalukuyang slide, mag-click sa Susunod o Nakaraan na slide gamit ang mga button na arrow.
  • Para pumunta sa isang partikular na slide, i-click ang numero ng slide pagkatapos ay pumili sa listahan ng mga slide.
  • Para pumili ng (mga) co-presenter:
    • Mag-hover sa pine-present na tile.
    • I-click ang Magdagdag ng co-presenter .
    • Sa bubukas na panel na "Sa Meeting," sa tabi ng taong gusto mong piliin, i-click ang Higit pa at pagkatapos ay Idagdag bilang co-presenter at pagkatapos ay Idagdag.
      • Hindi puwedeng gawing co-presenter ang sinumang sasali mula sa isang mobile device, meeting room, o ang isang inimbitahang user na hindi pa sumasali sa meeting.
      • Kung aalis at sasali ulit sa meeting ang isang co-presenter, dapat ay gawin ulit siyang presenter.
      • Sa tuwing magbabago ang pangunahing presentation ng meeting, made-demote ang lahat ng co-presenter
      • Kung lilipat ang pangunahing presenter sa pag-present ng ibang presentation sa Slides, made-demote ang lahat ng co-presenter.
  • I-click ang Ipakita/Itago ang mga tala ng tagapagsalita Speaker notes para i-toggle ang panel ng mga tala ng tagapagsalita.
    • Tandaang kakailanganin ng isang co-presenter ng access sa pag-edit sa file sa Google Slides para makita ang mga tala ng tagapagsalita habang nagpe-present siya.
  • Para buksan ang mga link o i-play ang media na naka-embed sa presentation:
    • Kung may media ang slide, i-click ang Mga kontrol sa media . May lalabas na listahan ng mga link at media para sa kasalukuyang slide.
    • Kung may mga link ang slide, i-click ang Ibahagi ang link Share link para buksan ang link.
    • Kung may media at mga link ang slide, i-click ang Link ng Media at piliin ang pagkilos na gusto mong unahin.
  • Para tapusin ang slideshow, i-click ang Lumabas sa slideshow .
    • Sa oras na lumabas ka sa slideshow, matatapos rin ang functionality sa pag-copresent.
      • Tip: Makokontrol lang ng mga co-presenter ang presentation habang sila ay nasa slideshow mode.
  • Para ipadala ang link ng presentation sa chat sa Meet, i-click ang Ibahagi .

Mahalaga: Kapag may na-promote sa pagiging co-presenter, magkakaroon din siya ng access sa link ng file ng presentation. Kung hindi dapat magkaroon ang co-presenter ng access sa file ng presentation, tiyaking io-off mo ang pagbabahagi ng link bago mo i-promote bilang co-presenter ang isang tao. Tandaang kakailanganin ng isang co-presenter ng access sa pag-edit sa isang file para makita ang mga tala ng tagapagsalita habang nagpe-present siya.

Maging isang co-presenter

Sino ang co-presenter?

Ang sinumang itatalaga ng pangunahing presenter ay magiging co-presenter. Nasa meeting dapat ang co-presenter para maitalaga siya.

Tungkulin ng mga co-presenter

Makokontrol mo ang presentation gamit ang control panel sa kanang bahagi sa ibaba ng pine-present na tile.

  • Para baguhin ang kasalukuyang slide, mag-click sa Susunod o Nakaraan na slide gamit ang mga button na arrow.
  • Para pumunta sa isang partikular na slide, i-click ang numero ng slide pagkatapos ay pumili sa listahan ng mga slide.
  • I-click ang Ipakita/Itago ang mga tala ng tagapagsalita Speaker notes para i-toggle ang panel ng mga tala ng tagapagsalita.
    • Tandaang kakailanganin ng isang co-presenter ng access sa pag-edit sa file sa Google Slides para makita ang mga tala ng tagapagsalita habang nagpe-present siya.
  • Para buksan ang mga link o i-play ang media na naka-embed sa presentation:
    • Kung may media ang slide, i-click ang Mga kontrol sa media . May lalabas na listahan ng mga link at media para sa kasalukuyang slide.
    • Kung may mga link ang slide, i-click ang Ibahagi ang link Share link para buksan ang link.
    • Kung may media at mga link ang slide, i-click ang Link ng Media at piliin ang pagkilos na gusto mong unahin.

Hindi magagawa ng mga co-presenter na lumabas o pumasok sa slideshow mode.

Sa oras na maging co-presenter ka, makakakuha ka ng visual na notification sa Meet na ginawa kang co-presenter.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17897305798550951213
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false