Huwag nang makatanggap ng mga pagtawag sa Google Meet

Kung ikokonekta mo ang iyong numero ng telepono sa anumang serbisyo ng Google, posible kang awtomatikong mairehistro sa pagtawag sa Google Meet. Kung gusto mo, puwede mong i-delete ang iyong account sa pagtawag sa Meet. Kung gusto mong gamitin ulit ang Meet sa ibang pagkakataon, kailangan mong  magparehistro ulit. Alamin kung nakakonekta sa mga serbisyo ng Google ang iyong numero ng telepono.

Mahalaga:

  • Kung ide-delete mo ang iyong account sa pagtawag, permanenteng mawawala ang iyong history ng pagtawag sa Meet.
  • Kung ia-uninstall mo ang app at pagkatapos ay ii-install mo ulit ito at magsa-sign in ka, mananatili ang iyong history ng pagtawag.

Mag-block ng mga tawag mula sa isang numero

Para hindi na makatanggap ng mga tawag mula sa isang partikular na numero, i-block ang numero ng telepono. Alamin kung paano mag-block o mag-ulat ng isang tao sa Google Meet.

I-delete at i-uninstall ang Meet

Hakbang 1: I-delete ang iyong account sa pagtawag sa Meet

Mahalaga:

  • Kapag na-delete mo ang iyong account sa pagtawag sa Meet, tuluyan itong madidiskonekta sa numero ng telepono o Google Account mo.

Kung ide-delete mo ang iyong account sa pagtawag, made-delete mo ang iyong mga setting at history ng pagtawag. Kapag nagparehistro ka ulit para sa pagtawag sa Meet, hindi na naka-block ang mga dating naka-block na numero ng telepono.

Para idiskonekta ang iyong Meet account sa numero ng telepono o Google account mo:

  1. Sa iyong Chromebook, buksan ang Meet .
  2. I-click ang Higit pa  at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Mga setting sa pagtawag.
  3. I-click ang I-delete ang account sa pagtawag at pagkatapos ay I-delete.

Hakbang 2: I-uninstall ang Meet sa iyong Chromebook

  1. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher at pagkatapos ay Pataas na arrow Pataas na arrow.
  2. I-right click ang Meet .
  3. I-click ang I-uninstall at pagkatapos ay I-uninstall.

Tip: Kung ii-install mo ulit ang app, makikita mo ang iyong history ng pagtawag.

Alisin ang iyong numero ng telepono sa iba pang serbisyo ng Google

Puwede mong i-unregister ang iyong numero ng telepono sa iba pang serbisyo ng Google, para hindi na magawang makipag-ugnayan ng mga taong nakakaalam ng numero ng telepono mo. Alamin kung paano alisin ang iyong numero ng telepono sa Google Account mo.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12341854190069491647
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false