I-set up ang Pagtawag sa Google Meet sa iyong Android TV

Puwede kang gumawa at sumagot ng mga 1:1 at panggrupong video call sa Meet sa iyong Android TV.

Mahalaga: Hindi sinusuportahan ang mga meeting sa Android TV.

Bago ka magsimula

Para magamit ang Meet sa iyong TV, dapat ay:

  • Mayroon kang Android TV o Android TV device na may Android 8.0 Oreo™️ at mas bago.
  • Magkonekta ka ng USB na camera at mikropono sa iyong Android TV o Android TV device, kung walang naka-built in na ganito sa Android TV o device mo.
  • Kumonekta ka sa internet.

Mga Tip:

  • Kung gumagamit ka ng Android TV Box, isaksak ang camera sa port ng USB nito.
  • Hindi sinusuportahan ang Meet sa mga Chromecast sa mga hindi Android TV.
  • Para sa audio, puwede kang magkonekta ng USB na mikropono sa iyong Android TV.
  • Hindi mo puwedeng gamitin ang Android TV Remote para sa audio sa mga tawag sa Meet.

I-download ang Meet sa iyong Android TV

  1. Sa Home screen ng iyong Android TV, mag-scroll papunta sa "Mga App."
  2. Piliin ang Google Play Store Google Play.
  3. Sa itaas, piliin ang Maghanap Maghanap.
  4. Hanapin ang “Meet.”
  5. Piliin ang I-install.

I-set up ang Meet sa iyong Android TV

Mahalaga: Hindi mo magagawang tumingin ng mga mensahe o gumamit ng mga effect sa Meet sa Android TV.

  1. Sa iyong Android TV, buksan ang Meet .
  2. Para mag-sign in, piliin ang iyong account.
  3. Piliin ang Bigyan ng access.
  4. Para tapusin ang pag-set up, sundin ang mga tagubilin sa screen.

Tumawag sa isang tao mula sa iyong Android TV

  1. Sa iyong Android TV, buksan ang Meet .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Maghanap Maghanap.
  3. Maghanap ng contact o grupo.
  4. Piliin ang contact o grupo na gusto mong tawagan.
  5. Sa ibaba, piliin ang Makipag-video call o Makipag-voice call.

Tip: Para makatanggap ng tawag sa iyong Android TV, nakabukas dapat ang Meet  .

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15963966682681395823
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false