Gamitin ang family mode sa mga 1:1 at panggrupong tawag

Nagbibigay ang family mode ng mas maayos na 1:1 na karanasan sa pagtawag kapag may kalahok na maliliit na bata. Itinatago ng family mode ang mga kontrol sa tawag para maiwasan ang hindi sinasadyang pagkakababa o pagkaka-mute ng mga bata sa tawag. Hindi available ang feature na ito sa mga meeting.

Para gumuhit o maglapat ng mga effect sa family mode, kailangan mo ng Android 6.0 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

I-on ang family mode

  1. Magsimula o tumanggap ng video call sa  Google Meet.
  2. Sa tawag, sa ibaba, i-tap ang Magpakita ng higit pang opsyon .
    Tip: Dapat ay nasa live na tawag ka habang naka-on ang video para mahanap ang mga opsyon.
  3. I-tap ang Pamilya.
    • Para gumamit ng mga effect para gumawa ng mga bagay tulad ng pagpapalit ng iyong mukha ng larawan ng bulaklak, i-tap ang Mga Effect.
    • Para gumuhit ng mga larawan, i-tap ang Mag-doodle.
    • Para i-access ang mga kontrol sa tawag, tulad ng i-mute at i-hang up, sa kaliwang sulok sa itaas, i-tap ang Bumalik itim na arrow ng duo.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
145841495071821167
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false