Maghanap at mag-imbita ng mga contact para sa pagtawag sa Meet

Mahahanap mo ang isang taong tatawagan mo sa pamamagitan ng pagtawag sa Google Meet kung nasa mga contact mo siya. Kung wala siya sa iyong mga contact pero gumagamit siya ng pagtawag sa Google Meet, puwede mo siyang idagdag.

Kung ginagamit mo ang pagtawag sa Google Meet sa isa pang device gamit ang parehong Google Account, magsi-sync ang iyong mga contact sa mga device. 

I-sync ang mga contact bago ka magsimula

I-sync ang iyong mga contact para lumabas sila sa Google Meet. Puwede mo itong i-off anumang oras.

  1. Sa iyong device, buksan ang Mga Setting.
  2. Hanapin ang Meet .
  3. I-tap ang Pahintulot at pagkatapos ay Mga Contact at pagkatapos ay Payagan.

Tip: Puwede mo ring alisin ang access sa iyong mga contact sa Google Account. Kung aalisin mo ang iyong account, hindi mo magagamit ang ilang partikular na feature tulad ng Google Meet sa maraming device. Alamin kung paano alisin ang iyong Google Account

Maghanap ng mga contact

Kung ginagamit mo ang pagtawag sa Google Meet sa isa pang device gamit ang parehong Google Account, magsi-sync ang iyong mga contact sa mga device.

Mahalaga: Kung ang iyong Google Account ay sa pamamagitan ng trabaho o paaralan mo, posibleng hindi mag-sync ang iyong mga contact.

Maghanap ng mga contact sa Meet para sa web

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa meet.google.com/calling/.
  2. Sa box para sa paghahanap, ilagay ang pangalan o numero ng telepono ng contact.
Para pigilan ang Google Meet sa pag-access ng mga contact ng iyong telepono:
  1. Buksan ang mga setting ng iyong mobile device
  2. I-tap ang Meet.
  3. I-off ang Mga Contact .

Tip: Tiyaking ang taong gusto mong tawagan ay nasa iyong mga contact at may pagtawag sa Meet. Kung tama ito at hindi mo pa rin siya mahanap, ipaalam sa amin.

Matuto pa tungkol sa kung paano maghanap at mag-sync ng iyong mga contact.

Imbitahan ang isang tao sa pagtawag sa Google Meet

Mahalaga: Sa ngayon, hindi ka makakapag-imbita sa pagtawag sa Meet sa iyong web browser, pero puwede mo silang imbitahan sa iyong mobile app.

Kung ang isa sa iyong mga contact ay hindi gumagamit ng pagtawag sa Meet, puwede mong gamitin ang iyong mobile app para imbitahan siyang i-download ang app para magawa ninyo ang 1:1 at panggrupong video call.

  1. Sa iyong mobile device, buksan ang Meet .
  2. I-tap ang Bago makipag-video call.
  3. Hanapin ang contact na gusto mong imbitahan, at i-tap ang Imbitahan. Magbubukas ang iyong default na SMS app nang may pre-loaded na mensahe ng imbitasyon.
  4. I-tap ang Ipadala.
Makukuha ng tatanggap ang mensahe at maaari niyang i-download ang app o direktang tumugon sa notification.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6695549460384928293
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false