Limitahan ang paggamit ng mobile data sa Google Meet

Kung paubos na ang buwanang data sa iyong mobile plan, puwede mong bawasan ang ginagamit mong data gamit ang Google Meet app. Tandaan, gumagana sa Wi-Fi at cellular data ang mga tawag sa Meet app, kaya makakatawag ka saan ka man may access sa internet.

Mahalaga: Sa tuwing nakakonekta sa Wi-Fi ang iyong device, gumagamit pa rin ng kaunting mobile data ang Meet. Pinapanatili nitong magpapatuloy ang iyong pag-uusap kung hihina ang Wi-Fi. Para ihinto ang paggamit ng mobile data bilang backup, sundin ang mga tagubilin sa seksyong "I-off ang mobile data" sa ibaba.

Kumonekta sa Wi-Fi

Bago ka tumawag o sumagot ng mga tawag, tiyaking nakakonekta sa isang Wi-Fi network ang iyong mobile device.

Pamahalaan ang paggamit ng mobile data

Kung gusto mong bawasan ang paggamit mo ng data o baguhin ang kalidad ng iyong tawag, puwede mong limitahan, dagdagan, o i-switch ang mobile data sa on o off.

Limitahan ang paggamit ng mobile data

Kung hindi ka makakonekta sa isang Wi-Fi network, awtomatikong babawasan at gagawing 1Mbps ng Meet ang iyong mga koneksyon.

Para sa mga legacy na tawag (na dating tinatawag na Duo):

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Meet app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu .
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Mga setting ng pagtawag at pagkatapos ay Mga setting habang nasa tawag.
  4. I-on ang Data Saving mode.

Para sa mga meeting o Tawag sa Meet (available lang para sa Business at EDU):

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Meet app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu .
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Pangkalahatan.
    • Tandaan: Makikita ito ng mga user na may mga personal na account sa ilalim ng Mga Setting at pagkatapos ay Mga setting ng meeting.
  4. I-on ang Limitahan ang paggamit ng data.

I-off ang mobile data

Kung gusto mong matiyak na Wi-Fi lang ang ginagamit ng Meet at hindi ito gumagamit ng iyong mobile data, puwede mong i-off ang mobile data sa iyong telepono.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang app na Mga Setting .
  2. I-tap ang Paggamit ng data.
  3. I-off ang Mobile data.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2769286146613733490
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false