Kunan ng larawan ang mga 1:1 at panggrupong video call

Puwede mong kunan ng larawan ang iyong mga 1:1 at panggrupong video call gamit ang Mga Sandali.

Hakbang 1: I-on ang Mga Sandali

Mahalaga: Kung naka-on sa iyo ang Mga Sandali, puwedeng kumuha at magbahagi ang ibang tao ng mga larawan ng kanilang mga video chat kasama ka.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Meet .
  2. I-tap ang Higit pa  at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Mga setting ng tawag at pagkatapos ay Mga setting habang nasa tawag.
  3. I-on ang Mga Sandali.

Tip: Kung hindi mo makikita ang opsyong "Mga setting ng pagtawag":

  1. Sa Mga Setting, i-tap ang Bumalik .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng Account mo.
  3. Lumipat sa account kung saan mo ini-on ang pagtawag. Alamin kung paano magsimula sa pagtawag sa Google Meet.

Hakbang 2: Kumuha ng larawan

Mahalaga: Kapag kumuha ka ng larawan, aabisuhan ang lahat ng kasama sa tawag at awtomatikong ise-save ang larawan sa camera roll ng bawat tao.

  1. Magsimula o tumanggap ng 1:1 o panggrupong video call sa Meet app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Kumuha ng larawan Kumuha ng larawan.
 
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3134537296983474010
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false