Mananatiling pribado ang iyong data ng mukha sa Mga Effect at Portrait Mode ng pakikipag-video call

Puwede kang magdagdag ng mga effect para i-personalize ang iyong 1:1 at panggrupong video call o maglapat ng filter ng portrait para maging mas malinaw ang larawan mo sa harap ng background gamit ang Mga Effect at Portrait Mode. Para panatilihing pribado ang iyong data, pinoproseso nang real time ng Google Meet, na dating kilala bilang Google Duo, ang data ng iyong video kapag ipinapadala ito sa ibang user na kasama sa video call pero hindi ito nagso-store ng anumang data ng video sa device mo o sa mga server ng Google.
Paano gumagana ang Mga Effect at Portrait Mode
Gumagamit kami ng mga larawan ng iyong mukha na kinunan gamit ang camera mo para bigyan ka ng mga karagdagang effect habang nasa mga 1:1 at panggrupong video call. Habang nangyayari ito sa 1:1 o panggrupong video call, hindi sino-store ng Meet ang anumang personal na data o data ng mukha sa iyong device o sa mga server ng Google. Pinoproseso ng Meet ang mga frame ng video nang real time at dine-delete ang bawat frame kapag naproseso na ito at naipadala sa ibang user na kasama sa video call.
Paano namin pinoprotektahan ang iyong data
Ginagamit lang ang data ng mukha para maglapat ng mga effect sa mga 1:1 at panggrupong video call sa iyong device. Inilalapat ng Meet ang mga effect na ito sa mga larawan gamit ang teknolohiya ng machine learning na gumagana sa iyong device bago pa man ipadala ang mga ito, kaya ang lahat ng larawan, 1:1 at panggrupong video call, at effect ay napoprotektahan gamit ang end-to-end na pag-encrypt. Walang data na sino-store sa iyong device o ipinapadala sa mga server ng Google. Matuto pa tungkol sa kung paano nananatiling naka-encrypt ang iyong mga video call at meeting.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10859788293516203645
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false