Tingnan ang listahan ng bisita sa Calendar sa Google Meet


               

Gusto mo ba ng mga advanced na feature ng Google Workspace para sa iyong negosyo?

Subukan ang Google Workspace ngayon!

 

 

Simulan ang iyong mga nakaiskedyul na meeting nang mahusay gamit ang listahan ng bisita sa Calendar sa Google Meet. Mabilis mo nang makikita ngayon ang mga kalahok na inimbitahan sa isang meeting sa Google Meet pero hindi pa sumasali sa tawag. Bukod pa rito, makikita mo ang status na RSVP ng lahat sa imbitasyon, kabilang ang mga “opsyonal” na attendee. Para makumpirma kung direktang sasali ang mga bisita mula sa Meet, madali mong makakaugnayan ang mga indibidwal na bisita sa pamamagitan ng Chat. 

Pagiging Kwalipikado

Mga kinakailangan para makita ang listahan ng bisita sa Calendar sa Google Meet

Available ang feature na ito para sa mga sumusunod na edisyon ng Google Workspace:

  • Enterprise Standard
  • Enterprise Plus
  • Frontline
  • Workspace for Nonprofits
  • Business Starter
  • Business Standard
  • Business Plus
  • Education Fundamentals
  • Education Starter
  • Education Plus
  • Legacy G Suite Basic at Business
  • Workspace Individual

Paano tingnan ang listahan ng bisita sa Calendar sa Google Meet

Mahalaga: Naaangkop lang ang feature na ito kung inimbitahan ang mga bisita sa pamamagitan ng Calendar at sa computer lang.

Para tingnan ang listahan ng bisita sa Calendar:

  1. Buksan ang Google Meet.
  2. Sa kanang sulok sa ibaba, i-click ang tab na Mga Tao People Tab.
  3. Opsyonal: Para magpadala ng mensahe sa isang kalahok, i-click ang Chat .

Tip: Ang mga kalahok na nasa labas ng organisasyon ng host ay may badge na marka  sa panel ng mga tao. Kung may mga kasali na external na kalahok, magkakaroon din ng badge  sa kaliwang sulok sa itaas ng screen.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4264795936812212298
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false