I-lock ang video habang may meeting sa Google Meet

Mahalaga: Para gamitin ang Lock ng Video, dapat mong i-on muna ang Pamamahala ng Host.

Bilang host o co-host ng meeting, puwede mong i-lock ang mga camera ng lahat ng kalahok para walang makapag-on ng kanilang video. Kapag ini-off mo ang Lock ng Video, magagamit na ulit ng lahat ang kanilang video. Hindi nailalapat sa iyo o sa iba pang co-host ng meeting ang Lock ng Video. Puwede mo lang itakda ang Lock ng Video mula sa iyong computer o iOS device, pero nalalapat ang mga setting ng pag-lock sa lahat ng device.

Kapag na-lock ang video ng isang kalahok, hindi na niya magagawang mag-present o ibahagi ang kanyang screen. Kung kailangan nilang ibahagi ang kanilang screen, dapat mo silang i-promote bilang co-host.

Mag-lock ng video ng mga kalahok

Mahalaga: Kapag ini-on mo ang Lock ng Video, posibleng maalis sa meeting ang mga kalahok na gumagamit ng mobile kung wala ang sumusunod sa kanilang device:

  • Pinakabagong bersyon ng Meet o Gmail app
  • Bersyon M o mas bago ng Android OS 
  • Bersyon 12 o mas bago ng iOS

Kapag ini-off mo ang Lock ng Video, makakasali na ulit ang mga naalis na kalahok.

I-lock ang video ng mga kalahok

  1. Sa meeting, mula sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Kontrol ng Host .
  2. Mula sa bubukas na panel sa gilid, i-on o i-off ang I-on ang kanilang video.

 

 Tip: Pagkatapos mong i-off ang Lock ng Video, dapat manual na i-on ng mga kalahok ang kanilang mga camera.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15295884509573694014
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false