Magdagdag ng mga co-host sa Google Meet

Available ang Pamamahala ng Host sa lahat ng edisyon ng Google Workspace. Kapag naka-on ang Pamamahala ng Host, magagamit ng mga host ng meeting ang mga sumusunod na feature na pangkaligtasan:

  • Lock ng chat
  • Lock ng pag-present
  • Lock ng audio
  • Lock ng video
  • Tapusin ang meeting para sa lahat
  • I-mute lahat

Puwedeng gamitin ng ilang edisyon ng Workspace ang Pamamahala ng Host para magdagdag ng hanggang 25 co-host sa kanilang mga meeting sa Google Meet. 

Pagiging Kwalipikado

Puwedeng magdagdag ng mga co-host ang mga sumusunod na edisyon ng Workspace: 

  • Business Standard
  • Business Plus
  • Essentials
  • Enterprise Starter
  • Enterprise Essentials
  • Enterprise Standard
  • Enterprise Plus
  • Lahat ng edisyon ng Workspace for Education
  • Workspace Individual

Mahalaga:

  • Batay sa iyong edisyon ng Google Workspace, posibleng naka-on o naka-off ang Pamamahala ng Host bilang default. Puwedeng i-on o i-off ang Pamamahala ng Host mula mismo sa isang meeting. Puwedeng mag-set up ang Mga Admin ng Workspace ng mga default para sa kanilang domain.
  • Dapat ay nasa meeting ang mga kalahok para maging host. Magagawa ng mga host ng meeting sa Classroom na gawing co-host ang mga guro bago ang isang meeting.
  • Puwedeng i-off ng mga co-host ang Pamamahala ng Host. Pangunahing host lang ang makakapag-enable ulit sa Pamamahala ng Host para sa lahat ng iba pang host.
  • Hindi puwedeng magtalaga o mag-alis ng mga kalahok bilang mga co-host sa Mga Kuwarto para sa Breakout. Dapat bumalik ang mga kalahok sa pangunahing kuwarto para mabigyan sila ng mga pribilehiyo sa pag-host
  • Pangunahing host lang ang makakatanggap sa impormasyon ng meeting, gaya ng mga ulat sa attendance o detalye ng pagsasagawa ng poll, pero maibabahagi niya ang impormasyon ng meeting sa iba pang co-host.
  • Sine-save ang mga setting ng Pamamahala ng Host para sa anumang umuulit na meeting o meeting na nag-uulit ng code ng meeting. Kakailanganing italaga ulit ang mga naitalaga nang co-host para sa anumang umuulit na meeting.
  • Inirerekomenda naming i-on mo ang mga setting ng Pamamahala ng Host bago mo gamitin ang Mga kuwarto para sa breakout. Hindi na mababago ang mga setting para sa Pamamahala ng Host kapag live na ang Mga kuwarto para sa breakout. Pipigilan nito ang pagtatalaga ng mga co-host na puwedeng magpatakbo ng Mga kuwarto para sa breakout o gumamit ng mga feature na pangkaligtasan ng meeting.
  • Para sa mga meeting kung saan naka-off ang pamamahala ng host, magagawa ng sinuman sa iyong organisasyon na mag-record ng meeting. Para magawa ng sinuman sa labas ng iyong organisasyon na mag-record ng meeting, dapat mo siyang i-promote bilang co-host.  Kung naka-on ang pamamahala ng host, ang pangunahing host at mga na-promote na co-host lang ang puwedeng magsimula ng meeting.

Magbahagi ng Mga Artifact ng Meeting sa mga co-host

May ilang partikular na feature ang Google Meet na bumubuo ng Mga Artifact ng Meeting, na:

  • Awtomatikong ibinabahagi sa pangunahing host ng meeting.
  • May mga recording sa Meet, ulat sa attendance, ulat sa poll, iba pang dokumento, atbp.

Kung gusto mong makakuha ng Mga Artifact ng Meeting ang mga co-host, dapat ay:

  • Naka-on sa iyo ang Pamamahala ng Host para maidagdag mo ang isang tao bilang co-host.
  • Idagdag mo sila bilang mga co-host kapag na-set up o na-edit mo ang event sa Google Calendar.
  • Piliin mo ang checkbox para sa pagbabahagi ng artifact kapag nagdagdag ka ng mga co-host sa Google Calendar.  

Mahalaga:

  • Kung ipo-promote mo sa pagiging co-host ang isang tao habang may meeting, hindi siya makakakuha ng Mga Artifact ng Meeting para sa partikular na meeting na iyon. Dapat mo siyang idagdag bilang co-host kapag na-set up o na-edit mo ang event sa Google Calendar.
  • Kung aalisin ang status bilang co-host ng isang kalahok habang may meeting, makakakuha pa rin siya ng Mga Artifact ng Meeting. Hindi siya makakatanggap ng mga artifact para sa anumang meeting sa hinaharap na gagamit ng parehong code.
  • Ang mga co-host na idaragdag sa isang serye ng mga meeting sa kasalukuyan ay makakakuha ng Mga Artifact ng Meeting para sa mga meeting sa hinaharap na gagamit ng parehong code.
  • Para sa mga meeting sa Google Classroom, kinikilala ang lahat ng kasamang guro bilang mga co-host at awtomatiko silang makakakuha ng Mga Artifact ng Meeting. Hindi maaalis ang kanilang status bilang co-host sa Google Classroom. 
    • Kung aalisin bilang kasamang guro ang isang user, hindi na siya makakatanggap ng mga artifact ng meeting.
 

Para magdagdag ng mga co-host at magbahagi ng Mga Artifact ng Meeting:

Mahalaga: Sa computer mo lang ito puwedeng gawin.

  1. Sa iyong desktop browser, pumunta sa Google Calendar.
  2. I-click ang event o meeting kung saan mo gustong magdagdag ng co-host.
  3. Mula sa pop-up na menu, i-click ang I-edit ang event .
    • Kung walang naka-attach na meeting sa iyong event, i-click ang Magdagdag ng pakikipagkumperensya gamit ang video sa Google Meet.
  4. I-click ang Mga opsyon sa video call .
  5. Sa pop-up na menu, i-on ang Pamamahala ng Host .
  6. Sa kaliwa, i-click ang Mga Co-host People Tab.
  7. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng “Ibabahagi ang mga artifact ng tawag sa host at mga co-host na idaragdag mo rito.”
  8. Magdagdag ng mga kalahok bilang mga co-host.

Magdagdag ng co-host bago magsimula ang isang meeting

Mahalaga: Lubos naming inirerekomendang magdagdag ka ng co-host bago magsimula ang meeting.

Magdagdag ng co-host sa isang bagong meeting

  1. Sa iyong desktop browser, pumunta sa Google Calendar.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Gumawa.
  3. Sa drop down, piliin ang Event.
  4. Magdagdag ng mga bisita sa meeting.
    • Kung walang naka-attach na meeting sa iyong event, i-click ang Magdagdag ng pakikipagkumperensya gamit ang video sa Google Meet.
  5. I-click ang Mga opsyon sa video call .
  6. Sa pop-up na menu, i-on ang Pamamahala ng Host .
  7. Sa kaliwa, i-click ang Mga Co-host People Tab.
  8. Ilagay ang mga pangalan ng mga kalahok na gusto mong idagdag bilang co-host.
  9. Piliin ang kanilang mga pangalan mula sa drop down.
  10. I-click ang I-save mula sa pop-up na menu.
  11. Para i-save ang event sa Google Calendar, i-click ang I-save

Magdagdag ng co-host sa isang kasalukuyang meeting

Mahalaga: Ikaw dapat ang gumawa sa meeting para magawa mo ang pagbabagong ito. Kung may ibang gumawa sa meeting, puwede ka niyang idagdag bilang co-host o puwede niyang ilipat sa iyo ang meeting bago ka magdagdag ng mga co-host.

  1. Sa iyong desktop browser, pumunta sa Google Calendar.
  2. I-click ang event o meeting kung saan mo gustong magdagdag ng co-host.
  3. Mula sa pop-up na menu, i-click ang I-edit ang event .
    • Kung walang naka-attach na meeting sa iyong event, i-click ang Magdagdag ng pakikipagkumperensya gamit ang video sa Google Meet.
  4. I-click ang Mga opsyon sa video call .
  5. Sa pop-up na menu, i-on ang Pamamahala ng Host .
  6. Sa kaliwa, i-click ang Mga Co-host People Tab.
  7. Ilagay ang mga pangalan ng mga kalahok na gusto mong idagdag bilang co-host.
  8. Piliin ang kanilang pangalan mula sa drop down.
  9. I-click ang I-save mula sa pop-up na menu.
  10. Para i-save ang event sa Google Calendar, i-click ang I-save.

Gamitin ang Pamamahala ng Host sa isang meeting

I-on o i-off ang Pamamahala ng Host

  1. Sa iyong computer, pumunta sa meet.google.com.
  2. Sumali sa isang meeting
  3. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga kontrol ng host .
  4. Mula sa lalabas na panel sa gilid, i-on ang Pamamahala ng Host .
  5. Para i-off, i-click ang Pamamahala ng Host at pagkatapos ay I-off ito Toggle Off.

Magdagdag o mag-alis ng co-host

  1. Sa isang meeting, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Ipakita lahat People Tab.
  2. Mula sa tab na “Mga Tao,” hanapin ang pangalan ng kalahok.
  3. Sa tabi ng kanyang pangalan, i-click ang Menu at pagkatapos ayBigyan ng mga kontrol ng host Add people and bots.

Kapag nabigyan na ng mga pribilehiyo sa pag-host ang mga bagong co-host, lalabas ang icon ng Mga kontrol ng host sa ibaba ng kanilang screen.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13329560101550672319
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false