Magdagdag ng mga co-host sa Google Meet

Available ang Pamamahala ng Host sa lahat ng edisyon ng Google Workspace. Kapag naka-on ang Pamamahala ng Host, magagamit ng mga host ng meeting ang mga sumusunod na feature na pangkaligtasan:

  • Lock ng chat
  • Lock ng pag-present
  • Lock ng audio
  • Lock ng video
  • Tapusin ang meeting para sa lahat
  • I-mute lahat

Puwedeng gamitin ng ilang edisyon ng Workspace ang Pamamahala ng Host para magdagdag ng hanggang 25 co-host sa kanilang mga meeting sa Google Meet. 

Pagiging Kwalipikado

Puwedeng magdagdag ng mga co-host ang mga sumusunod na edisyon ng Workspace: 

  • Business Standard
  • Business Plus
  • Essentials
  • Enterprise Starter
  • Enterprise Essentials
  • Enterprise Standard
  • Enterprise Plus
  • Lahat ng edisyon ng Workspace for Education
  • Workspace Individual

Mahalaga:

  • Batay sa iyong edisyon ng Google Workspace, posibleng naka-on o naka-off ang Pamamahala ng Host bilang default. Puwedeng i-on o i-off ang Pamamahala ng Host mula mismo sa isang meeting. Puwedeng mag-set up ang Mga Admin ng Workspace ng mga default para sa kanilang domain.
  • Dapat ay nasa meeting ang mga kalahok para maging host. Magagawa ng mga host ng meeting sa Classroom na gawing co-host ang mga guro bago ang isang meeting.
  • Puwedeng i-off ng mga co-host ang Pamamahala ng Host. Pangunahing host lang ang makakapag-enable ulit sa Pamamahala ng Host para sa lahat ng iba pang host.
  • Hindi puwedeng magtalaga o mag-alis ng mga kalahok bilang mga co-host sa Mga Kuwarto para sa Breakout. Dapat bumalik ang mga kalahok sa pangunahing kuwarto para mabigyan sila ng mga pribilehiyo sa pag-host
  • Pangunahing host lang ang makakatanggap sa impormasyon ng meeting, gaya ng mga ulat sa attendance o detalye ng pagsasagawa ng poll, pero maibabahagi niya ang impormasyon ng meeting sa iba pang co-host.
  • Sine-save ang mga setting ng Pamamahala ng Host para sa anumang umuulit na meeting o meeting na nag-uulit ng code ng meeting. Kakailanganing italaga ulit ang mga naitalaga nang co-host para sa anumang umuulit na meeting.
  • Inirerekomenda naming i-on mo ang mga setting ng Pamamahala ng Host bago mo gamitin ang Mga kuwarto para sa breakout. Hindi na mababago ang mga setting para sa Pamamahala ng Host kapag live na ang Mga kuwarto para sa breakout. Pipigilan nito ang pagtatalaga ng mga co-host na puwedeng magpatakbo ng Mga kuwarto para sa breakout o gumamit ng mga feature na pangkaligtasan ng meeting.
  • Para sa mga meeting kung saan naka-off ang pamamahala ng host, magagawa ng sinuman sa iyong organisasyon na mag-record ng meeting. Para magawa ng sinuman sa labas ng iyong organisasyon na mag-record ng meeting, dapat mo siyang i-promote bilang co-host.  Kung naka-on ang pamamahala ng host, ang pangunahing host at mga na-promote na co-host lang ang puwedeng magsimula ng meeting.

Magbahagi ng Mga Artifact ng Meeting sa mga co-host

May ilang partikular na feature ang Google Meet na bumubuo ng Mga Artifact ng Meeting, na:

  • Awtomatikong ibinabahagi sa pangunahing host ng meeting.
  • May mga recording sa Meet, ulat sa attendance, ulat sa poll, iba pang dokumento, atbp.

Kung gusto mong makakuha ng Mga Artifact ng Meeting ang mga co-host, dapat ay:

  • Naka-on sa iyo ang Pamamahala ng Host para maidagdag mo ang isang tao bilang co-host.
  • Idagdag mo sila bilang mga co-host kapag na-set up o na-edit mo ang event sa Google Calendar.
  • Piliin mo ang checkbox para sa pagbabahagi ng artifact kapag nagdagdag ka ng mga co-host sa Google Calendar.  

Mahalaga:

  • Kung ipo-promote mo sa pagiging co-host ang isang tao habang may meeting, hindi siya makakakuha ng Mga Artifact ng Meeting para sa partikular na meeting na iyon. Dapat mo siyang idagdag bilang co-host kapag na-set up o na-edit mo ang event sa Google Calendar.
  • Kung aalisin ang status bilang co-host ng isang kalahok habang may meeting, makakakuha pa rin siya ng Mga Artifact ng Meeting. Hindi siya makakatanggap ng mga artifact para sa anumang meeting sa hinaharap na gagamit ng parehong code.
  • Ang mga co-host na idaragdag sa isang serye ng mga meeting sa kasalukuyan ay makakakuha ng Mga Artifact ng Meeting para sa mga meeting sa hinaharap na gagamit ng parehong code.
  • Para sa mga meeting sa Google Classroom, kinikilala ang lahat ng kasamang guro bilang mga co-host at awtomatiko silang makakakuha ng Mga Artifact ng Meeting. Hindi maaalis ang kanilang status bilang co-host sa Google Classroom. 
    • Kung aalisin bilang kasamang guro ang isang user, hindi na siya makakatanggap ng mga artifact ng meeting.
 

I-on o i-off ang Pamamahala ng Host

  1. Sa isang meeting, i-tap ang screen at pagkatapos ay Menu at pagkatapos ay Mga kontrol ng host .
  2. I-on ang Pamamahala ng Host .

Magdagdag o mag-alis ng co-host

  1. Sa isang meeting, i-tap ang screen.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang pangalan ng meeting.
  3. Mula sa tab na “Mga Tao,” hanapin ang pangalan ng kalahok.
  4. Sa tabi ng kanyang pangalan, i-tap ang Menu at pagkatapos ay Idagdag bilang co-host .
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16179893412010383777
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false