Magtanong sa mga kalahok sa Google Meet


               

Gusto mo ba ng mga advanced na feature ng Google Workspace para sa iyong negosyo?

Subukan ang Google Workspace ngayon!

 

 

Mahalaga:

  • Kapag gumawa ka ng Q&A sa isang live stream, awtomatiko itong magiging available sa mga kalahok sa meeting at kalahok sa live stream. Puwedeng i-disable ng mga host ang Q&A para sa mga kalahok sa live stream mula sa kanilang computer.
  • Puwede kang magkaroon ng hanggang 500 tanong sa bawat Q&A.
Mga kinakailangan sa paggamit ng Q&A sa Google Meet

Mahalaga: Available ang Q&A sa Google Meet para sa mga user na may mga edisyong ito ng Google Workspace:

  • Essentials 
  • Business Standard
  • Business Plus 
  • Enterprise Starter
  • Enterprise Essentials
  • Enterprise Standard
  • Enterprise Plus
  • Education Plus
  • Teaching and Learning Upgrade
  • G Suite Business
  • Nonprofits
  • Workspace Individual

Magtanong sa mga kalahok sa isang meeting sa Google Meet

Puwedeng magtanong ang sinumang nasa isang meeting. Ipapakita ang mga tanong hangga't hindi dine-delete o itinatago ang mga ito.

Pagkatapos ng meeting, makakakuha ang moderator ng detalyadong ulat ng lahat ng tanong.

Ang sinumang mag-iiskedyul o magsisimula ng meeting ang magiging host ng meeting. Kung ililipat o iiiskedyul mo ang isang meeting sa kalendaryo ng ibang tao, puwedeng maging host ng nasabing meeting ang taong iyon. Bilang default, iisa lang ang host ng meeting sa bawat meeting pero puwede kang magdagdag ng hanggang 25 co-host kapag nasa meeting na.

I-on ang Q&A

Mahalaga:

  • Awtomatikong ino-on ang Q&A para sa lahat ng user maliban sa mga user ng Google Workspace for Education. Para sa mga user ng Education, puwedeng i-on ng mga host ng Meeting ang Q&A sa panahon ng meeting.
  • Puwedeng i-disable ng mga host ang Q&A mula sa isang pop-up kapag sinimulan nila ang live stream sa kanilang computer o kapag na-off nila ito sa ilalim ng “Mga kontrol ng host.”
  1. Sa iyong computer, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Kontrol ng Host .
  2. Mag-scroll papunta sa Mga Aktibidad sa Meeting.
  3. I-on ang Payagan ang mga tanong sa Q&A Toggle ON.

Tip: Bilang default, puwedeng magtanong sa anonymous na paraan. Para ihinto ito, i-off ang Payagan ang mga anonymous na tanong (Q&A) Toggle Off.

I-on ang Q&A sa mobile
  1. I-tap ang Higit pang kontrol at pagkatapos ay Mga Kontrol ng Host .
  2. Mag-scroll papunta sa Mga Aktibidad sa Meeting.
  3. I-on ang Payagan ang mga tanong sa Q&A Toggle ON.

Tip: Bilang default, puwedeng magtanong sa anonymous na paraan. Para ihinto ito, i-off ang Payagan ang mga anonymous na tanong (Q&A) Toggle Off

Tingnan at pamahalaan ang mga tanong

Mahalaga: Ang lahat ng tinanong ay isasama sa Ulat ng mga tanong na ie-email sa mga moderator pagkatapos ng meeting.

  1. Sa iyong computer, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Aktibidad  at pagkatapos ay Q&A.
  2. Para i-filter ang mga tanong, sa tabi ng "Lahat ng tanong," i-click ang Pababang arrow .
  3. Pumili ng opsyon:
    • Para i-delete ang isang tanong: Sa anumang tanong, i-click ang I-delete .
      • Tip: Sa ulat mo lang makikita, hindi sa aktwal na meeting, ang mga na-delete at anonymous na na-delete na tanong.
    • Para i-upvote ang isang tanong: Sa tanong, i-click ang I-upvote .
    • Para itago ang isang tanong: Sa tanong, i-click ang Itago .
    • Para markahan ang isang tanong bilang nasagot na: Sa tanong, i-click ang Markahan bilang nasagot na .
      • Tip: Markahan ang isang tanong bilang nasagot na para malaman ng mga kalahok na nasagot na ito.
    • Para pagbukud-bukurin ang mga tanong ayon sa pagkakasunud-sunod o pinakamaraming upvote:
      1. Sa tabi ng “Sikat,” i-click ang Pababang arrow .
      2. Pumili ng opsyon.
Tingnan at pamahalaan ang mga tanong sa mobile

Mahalaga: Ang lahat ng tinanong ay isasama sa Ulat ng mga tanong na ie-email sa mga moderator pagkatapos ng meeting.

  1. I-tap ang Higit pang kontrol  at pagkatapos ay Mga Aktibidad at pagkatapos ay Q&A.
  2. Para i-filter ang mga tanong, sa tabi ng "Lahat ng tanong," i-tap ang Pababang arrow .
  3. Pumili ng opsyon:
    • Para i-delete ang isang tanong: Sa anumang tanong, i-tap ang I-delete .
      • Tip: Sa ulat mo lang makikita, hindi sa aktwal na meeting, ang mga na-delete at anonymous na na-delete na tanong.
    • Para i-upvote ang isang tanong: Sa tanong, i-tap ang I-upvote .
    • Para itago ang isang tanong: Sa tanong, i-tap ang Itago .
    • Para markahan ang isang tanong bilang nasagot na: Sa tanong, i-tap ang Markahan bilang nasagot na .
      • Tip: Markahan ang isang tanong bilang nasagot na para malaman ng mga kalahok na nasagot na ito.
    • Para pagbukud-bukurin ang mga tanong ayon sa pagkakasunud-sunod o pinakamaraming upvote:
      1. Sa tabi ng “Sikat,” i-tap ang Pababang arrow .
      2. Pumili ng opsyon.

I-moderate ang mga tanong sa Q&A

Sa mga meeting at livestream, para masuri ang mga tanong bago ipakita ang mga ito sa mga attendee sa meeting, i-moderate ang Q&A:

Mahalaga:

  • Naka-off ang pag-moderate bilang default.

  • Sa pamamagitan lang ng web, gamit ang isang computer, puwedeng mag-moderate ang mga host.

Para i-on ang pag-moderate bilang host pagkatapos mong sumali sa isang meeting:

  1. Sa iyong computer, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Kontrol ng Host.

  2. Mag-scroll pababa sa Mga Aktibidad sa Meeting.

  3. Para i-on ang pag-moderate ng tanong, i-on ang Itago ang bawat tanong hangga't walang pag-apruba ng host Toggle ON.

Para mag-moderate ng mga tanong:

  1. Sa iyong computer, maghanap ng tanong na may markang “Hindi pa naaaprubahan.”

  2. Piliing Aprubahan o I-delete ang tanong.

  • Tip: Hindi magagawa ng host na maramihang mag-apruba ng mga tanong.

Tip: Puwedeng i-off ng host ang pag-moderate ng tanong sa Mga Kontrol ng Host sa panahon ng meeting. Hindi maaapektuhan ng pagbabago ang mga naitanong na.

Magtanong

Kapag nagtanong ka, makakatanggap ng notification ang lahat ng nasa meeting.

Kapag nagtanong ka sa anonymous na paraan, itatago ang mga detalye sa:

  • Iba pang kalahok sa meeting
  • Mga moderator
  • Iyong admin ng Workspace

Ang tanong ay ibabahagi nang buo sa Google. Ang tanong ay gagawing anonymous o ide-delete sa ibang pagkakataon, nang napapailalim sa aming patakaran sa pagpapanatili ng data.

  1. Sa iyong computer, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Aktibidad at pagkatapos ay Q&A at pagkatapos ay Magtanong.
  2. Ilagay ang iyong tanong at pagkatapos ay i-click ang I-post.

Tip: Para anonymous na magtanong, lagyan ng check ang opsyong "I-post sa Anonymous na Paraan."

Magtanong sa mobile
  1. I-tap ang Higit pang kontrol at pagkatapos ay Mga Aktibidad at pagkatapos ay Q&A at pagkatapos ay Magtanong.
  2. Ilagay ang iyong tanong at pagkatapos ay i-tap ang I-post.

Tip: Para anonymous na magtanong, lagyan ng check ang opsyong "I-post sa Anonymous na Paraan."

Tumingin ng ulat ng mga tanong

Pagkatapos ng meeting, mag-e-email sa moderator ng ulat ng mga tanong. Makakakita sa email ng listahan ng mga tanong na ipinadala, itinago, naaprubahan ng moderator, o na-delete, kasama ng mga pangalan ng mga taong nag-post sa mga tanong.

  1. Buksan ang email kung nasaan ang ulat ng mga tanong.
  2. I-click ang attachment na ulat.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11002377014044557795
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
713370
false
false