Kung magka-crash ang Google Maps app sa iyong telepono o tablet o may iba pang isyung nakakaapekto sa karanasan mo sa Maps, subukan ang mga sumusunod na hakbang:
- I-update ang Google Maps.
- I-clear ang storage sa app na Mga Setting sa iyong device.
I-update ang Google Maps
Para magamit ang mga pinakabagong feature ng app, i-download ang pinakabagong bersyon ng Google Maps app.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang App Store.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Profile .
- Mag-scroll pababa sa "Available Updates," at hanapin ang Google Maps.
- Kung nakalista ang Google Maps, i-tap ang Update para i-install.
Tip: Kung mapo-prompt, ilagay ang iyong Apple ID at password. Mada-download at mai-install ang mga update.
I-install ulit ang Google Maps
Para i-delete ang app:
- Sa iyong iPhone o iPad, pindutin nang matagal ang Google Maps app .
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Remove Delete.
Magpadala ng feedback
Kung patuloy mong mararanasan ang isyu, padalhan kami ng feedback.