Paano ayusin ang Maps kapag nag-crash ito

Kung magka-crash ang Google Maps app sa iyong telepono o tablet o may iba pang isyung nakakaapekto sa karanasan mo sa Maps, subukan ang mga sumusunod na hakbang:

  • I-update ang Google Maps.
  • I-clear ang storage sa app na Mga Setting sa iyong device.

I-update ang Google Maps

Para magamit ang mga pinakabagong feature ng app, i-download ang pinakabagong bersyon ng Google Maps app.

Kung naka-sign in  ka sa iyong Google Account, direktang i-update ang Google Maps app mula sa Play Store.

I-update ang Google Maps

Kung hindi ka naka-sign in sa iyong Google Account:

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Maps app sa Play store.
  2. I-tap ang Buksan sa Play store app.
    • Iwasang ma-tap ang "i-install" dahil ire-redirect ka nito sa screen ng pag-sign in na hindi puwedeng laktawan.
  3. Mapo-prompt kang mag-sign in.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Update.
  5. Hanapin ang "Map - Navigate & Explore," pagkatapos ay i-tap ang I-update.

I-clear ang cache at data ng app

Magsimula rito, pagkatapos ay tapusin ang proseso sa iyong device.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na Mga Setting App na Mga Setting.
  2. I-tap ang Mga app at notification.
  3. Sundin ang mga hakbang sa iyong device para mahanap ang Google Maps app.
  4. Pagkatapos mong piliin ang app, dapat maging available ang mga opsyon sa storage at cache.
  • I-clear ang cache:Dine-delete ang pansamantalang data.
  • I-clear ang storage ng data: Permanenteng dine-delete ang lahat ng data ng app.

 

Mga hakbang na partikular sa device

Karaniwang puwede mong i-clear ang cache at data ng app sa pamamagitan ng app na Mga Setting ng iyong telepono. Tingnan ang ilang halimbawa ng mga hakbang na partikular sa device. Posibleng iba ang mga aktwal na hakbang depende sa modelo ng iyong device.

Para sa higit pang impormasyon, humingi ng tulong mula sa manufacturer ng iyong device.

Mga Samsung phone

  1. Pumunta sa Settings ng device at pagkatapos Apps.
  2. Piliin ang Maps app.
  3. I-tap ang Storage at pagkatapos Clear data.

Mga LG phone

  1. Pumunta sa Settings at pagkatapos Apps.
  2. Piliin ang Maps app.
  3. I-tap ang Storage at pagkatapos Clear data.

Mga Huawei phone

  1. ​​​​​​​Pumunta sa Settings ng device at pagkatapos Apps.
  2. Mag-tap ulit sa Apps.
  3. Piliin ang Maps app.
  4. I-tap ang Storage at pagkatapos Clear data.

Mga Oppo phone

  1. Pumunta sa Settings ng device at pagkatapos App Management.
  2. I-tap ang Show system processes.
  3. Piliin ang Maps app.
  4. I-tap ang Storage at pagkatapos Clear data.

Mga Xiaomi phone

  1. Pumunta sa Mga Setting ng device at pagkatapos Mga App.
  2. Buksan ang tab na "Pamahalaan ang mga app."
  3. Piliin ang Maps app.
  4. I-tap ang Storage at pagkatapos I-clear ang data.

Mga Vivo phone

  1. Pumunta sa Settings ng device at pagkatapos Application Manager.
  2. Piliin ang All sa menu ng tab at piliin ang Maps app.
  3. I-tap ang Clear data.

Mga Pixel phone

  1. Pumunta sa Settings ng device at pagkatapos Apps & notifications.
  2. I-tap ang See all apps at pagkatapos Maps at pagkatapos Storage and cache at pagkatapos Clear cache.

Magpadala ng feedback

Kung patuloy mong mararanasan ang isyu, padalhan kami ng feedback.

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?