Gamitin ang Google Assistant na naka-built in sa iyong kotse para mag-navigate

Mahalaga: Ang artikulong ito ay para lang sa Google Maps na built-in sa iyong sasakyan. Nagdedepende ang availability o functionality ng feature sa iyong manufacturer ng sasakyan o rehiyon at data plan.

Makakakita ka ng impormasyon at makakagawa ka ng mga bagay-bagay gamit ang iyong Google Assistant habang nagmamaneho ka. Magtanong dito at sabihan itong gumawa ng mga bagay sa Google Maps para makatutok ka sa daan.

Tip: Hindi available ang feature na ito sa lahat ng wika at bansa/rehiyon.

Makipag-usap sa iyong Google Assistant

  1. Sa home screen ng iyong sasakyan, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Mag-navigate sa isang lugar, o sabihin ang "Ok Google, navigate home."
  3. Sa navigation mode, sabihin ang “Ok Google” o i-tap ang mikropono ng Assistant Voice search.
  4. Magpatulong sa Google Assistant sa isang bagay.

Tip: Tingnan ang manual ng user ng iyong sasakyan para malaman kung paano ie-enable ang Assistant gamit ang mga button sa manibela mo o sa iyong sasakyan.

Ang puwede mong ipagawa sa iyong Google Assistant

Paglalakbay at mga kalapit na lugar

  • "What road is this?" (Anong kalsada ito?)
  • “When does [pangalan ng lugar] close?” (Kailan magsasara ang [pangalan ng lugar]?)
  • "Show route overview" (Ipakita ang overview ng ruta) o "Show alternate routes" (Magpakita ng mga alternatibong ruta)
  • "Restaurants nearby" (Mga kalapit na restaurant)

Mga direksyon at navigation

  • "What’s my next turn?" (Ano ang susunod kong liko?) o "Next step" (Susunod na hakbang)
  • “How long until I get there?” (Gaano katagal bago ako makarating?)
  • "How's traffic ahead?" (Kumusta ang trapiko sa daan?) o "How's traffic to home?" (Kumusta ang trapiko pauwi?)
  • "Show traffic" (Ipakita ang trapiko) o "Hide traffic" (Itago ang trapiko)
  • "Show satellite view" (Ipakita ang satellite view) o "Hide satellite view" (Itago ang satellite view)
  • "Avoid tolls" (Umiwas sa mga toll) o "Enable tolls" (I-enable ang mga toll)
  • "Mute voice guidance” (I-mute ang gabay na boses) o “Unmute voice guidance” (I-unmute ang gabay na boses)
  • “Recenter” (Muling igitna)
  • “Show list of directions” (Magpakita ng listahan ng mga direksyon)
  • "Avoid highways" (Umiwas sa mga highway) o "Enable highways" (I-enable ang mga highway)
  • “What’s my destination?” (Ano ang patutunguhan ko?) o “How far is my destination?” (Gaano kalayo ang pupuntahan ko?)
  • "Exit navigation" (Lumabas sa navigation)
  • “Where am I?” (Nasaan ako?)
  • “Are we there yet?” (Nakarating na ba tayo?)
  • “Help” (Tulong)

Puwede ka ring magtanong ng impormasyon sa Google Assistant o magpatulong dito sa mga gawain sa araw-araw. Alamin kung ano pa ang puwede mong itanong.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
534564448841848121
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false