Gamitin ang Google Maps sa Incognito mode

Mas marami ka na ngayong paraan para makontrol ang iyong privacy sa Google Maps. Gamitin ang Incognito mode kapag ayaw mong i-save sa iyong Google Account ang aktibidad mo—tulad ng mga lugar na hinahanap mo o kung saan ka nagna-navigate. 

Mahalaga: Kapag naka-on ang Incognito mode, hindi gagawin ng Maps na nasa device na iyon ang sumusunod:

  • I-save ang iyong history sa pag-browse at paghahanap sa account mo, o magpadala ng mga notification.
  • I-update ang iyong History ng Lokasyon o nakabahaging lokasyon, kung mayroon man.
  • Gamitin ang iyong aktibidad para i-personalize ang Maps.

Kapag na-on ang Incognito mode sa Maps, hindi naaapektuhan kung paano ginagamit o sine-save ng mga internet provider, iba pang app, paghahanap gamit ang boses, at iba pang serbisyo sa Google ang iyong aktibidad.

I-on ang Incognito mode para sa Google Maps

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Google Maps.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan sa profile. 
  3. I-tap ang I-on ang Incognito mode.

I-off ang Incognito mode para sa Google Maps

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Google Maps.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan sa profile. 
  3. I-tap ang I-off ang Incognito mode.
 

Narito ang ilang feature na hindi available sa Incognito mode: 

  • Pag-commute
  • Para sa Iyo
  • History ng Lokasyon
    • Tip: Mapo-pause ang History ng Lokasyon para sa iyong buong device, hindi lang sa Maps.
  • Pagbabahagi ng Lokasyon
  • Mga notification at mensahe
  • History ng paghahanap
  • Mga mungkahi sa pagkumpleto sa paghahanap
  • Mga Kontribusyon sa Google Maps
  • Mikropono ng Google Assistant sa Navigation
  • Mga Offline na Mapa
  • Iyong Mga Lugar
  • Pagsasama ng media

Tip: Kapag naka-incognito mode ang Maps, hindi available ang mikropono ng Google Assistant sa navigation, pero patuloy na gagana ang "Ok Google" tulad ng inaasahan. Ang Google Assistant ay isang feature ng system na hindi bahagi ng Incognito mode para sa Maps, kaya mase-save pa rin ang anumang impormasyong ibabahagi mo tulad ng dati.

 

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?