Mga notification kapag na-update ang iyong nakabahaging lokasyon

Kung ibinabahagi mo ang iyong lokasyon sa isang tao, ire-refresh nang pana-panahon ng Google Maps ang posisyon mo sa mapa. Sinisiguro nito na nakakakuha ang taong binabahaginan mo ng tumpak at napapanahong impormasyon kung nasaan ka.

Minsan, makakakita ka ng mensahe sa itaas ng iyong screen o sa listahan ng mga notification mo na nagpapaalam sa iyong na-update na ang lokasyon mo.

Bawasan kung gaano kadalas mo nakikita ang notification na ito

May mga paraan para masigurong nag-a-update sa background ang iyong lokasyon. Sa pamamagitan nito, mas madalang na lalabas ang notification.

Tandaan: Posibleng mag-iba-iba ang mga eksaktong hakbang depende sa iyong device.

Sa Android Pie: I-minimize ang notification

Puwede mong i-minimize ang notification na ito para hindi ito masyadong makaabala. Sa susunod na makita mo ang notification, pindutin ito nang matagal at piliin ang I-minimize.

Sa Android Oreo: Babaan ang kahalagahan ng notification

Puwede mong babaan ang priyoridad ng notification para hindi ito masyadong makaabala.

  1. Sa home screen o menu ng app mo, pindutin nang matagal ang Google Maps app Maps. Pagtapos, i-tap ang Impormasyon.
  2. I-tap ang Mga Notification.
  3. Mag-scroll pababa sa "Mga Tao at Lugar" at i-tap ang Mga update sa iyong nakabahaging lokasyon.
  4. Piliin ang Mababa ang Kahalagahan (Walang tunog o nakikitang abala).

Tingnan kung may mga error

  1. Sa iyong device, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Pagbabahagi ng lokasoyn.

Tandaan: Kung may mga problema, may makikita kang mensahe ng babala sa itaas ng screen.

I-off ang notification na ito

Mahalaga: Kung io-off mo ang mga notification na ito, posibleng hindi ma-refresh ang lokasyong ibinabahagi mo sa iba, at malamang na hindi ito maging tumpak.

Tandaan: Posibleng mag-iba-iba ang mga eksaktong hakbang depende sa iyong device.

  1. Sa home screen o menu ng app mo, pindutin nang matagal ang Google Maps app Maps. Pagkatapos, i-tap ang Impormasyon.
  2. I-tap ang Mga Notification.
  3. Mag-scroll pababa sa "Mga Tao at Lugar" at i-off ang Mga update sa iyong nakabahaging lokasyon.

 

Matuto pa tungkol sa kung paano i-on o i-off ang mga notification sa Google Maps. 

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?