Notification

Sa mga susunod na buwan, gagawing Timeline ang pangalan ng setting ng History ng Lokasyon. Kung io-on ang History ng Lokasyon para sa iyong account, puwede mong makita ang Timeline sa mga setting ng app at account mo.

Gamitin ang Google Maps sa Incognito mode

Mas marami ka na ngayong paraan para makontrol ang iyong privacy sa Google Maps. Gamitin ang Incognito mode kapag ayaw mong i-save sa iyong Google Account ang aktibidad mo—tulad ng mga lugar na hinahanap mo o kung saan ka nagna-navigate. 

Mahalaga: Kapag naka-on ang Incognito mode, hindi gagawin ng Maps na nasa device na iyon ang sumusunod:

  • I-save ang iyong history sa pag-browse at paghahanap sa account mo, o magpadala ng mga notification.
  • I-update ang iyong History ng Lokasyon o nakabahaging lokasyon, kung mayroon man.
  • Gamitin ang iyong aktibidad para i-personalize ang Maps.

Kapag na-on ang Incognito mode sa Maps, hindi naaapektuhan kung paano ginagamit o sine-save ng mga internet provider, iba pang app, paghahanap gamit ang boses, at iba pang serbisyo sa Google ang iyong aktibidad.

I-on ang Incognito mode para sa Google Maps

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan sa profile.
  3. I-tap ang I-on ang Incognito mode.

I-off ang Incognito mode para sa Google Maps

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan sa profile.
  3. I-tap I-off ang Incognito mode.
 

Narito ang ilang feature na hindi available sa Incognito mode:

  • Mag-commute
  • Sinusubaybayan
  • History ng Lokasyon
    • Tip: Mapo-pause ang History ng Lokasyon para sa iyong buong device, hindi lang sa Maps.
  • Pagbabahagi ng Lokasyon
  • Mga notification at mensahe
  • History ng paghahanap
  • Mga mungkahi sa pagkumpleto sa paghahanap
  • Mga Kontribusyon sa Google Maps
  • Mga Offline na Mapa
  • Iyong Mga Lugar
  • Integration ng media

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8589034610372917085
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false