I-personalize ang iyong karanasan sa Google Maps

Tumuklas ng mga bagong lugar batay sa iyong mga interes sa Google Maps. Ginagamit namin ang iyong mga naka-save na kagustuhan, History ng Lokasyon, at Aktibidad sa Web at App para magmungkahi ng mga lokasyon at content na posibleng magustuhan mo. Ginagamit din namin ang impormasyong ito para gumawa ng marka ng “Ang iyong tugma.” Matuto pa tungkol sa kung paano makakuha ng mga tugma.

Para i-on o i-off ang mga feature na ito, alamin kung paano pamahalaan ang iyong History ng Lokasyon o baguhin ang setting ng Aktibidad sa Web at App mo.

Pamahalaan ang iyong mga kagustuhang "Interesado"

  1. Sa iyong mobile device, buksan ang Google Maps app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan o inisyal sa profile Account Circle.
  3. I-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay Pamahalaan ang iyong mga kagustuhan.
  4. Para suriin at i-update ang mga bagay kung saan ka interesado, i-tap ang Interesado.
    • Para magdagdag ng kagustuhang "Interesado": I-tap ang Magdagdag ng paksa at i-tap ang bagay kung saan ka interesado.
    • Para mag-alis ng kagustuhang "Interesado": Sa tabi ng gusto mong alisin, i-tap ang Alisin .

Pamahalaan ang iyong mga kagustuhang “Hindi interesado”

  1. Sa iyong mobile device, buksan ang Google Maps app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan o inisyal sa profile Account Circle.
  3. I-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay Pamahalaan ang iyong mga kagustuhan.
  4. Para suriin at i-update ang mga bagay kung saan hindi ka interesado, i-tap ang Hindi interesado.
    • Para magdagdag ng kagustuhang "Hindi interesado": I-tap ang Magdagdag ng paksa at i-tap ang bagay kung saan hindi ka interesado.
    • Para mag-alis ng kagustuhang "Hindi interesado": Sa tabi ng gusto mong alisin, i-tap ang Alisin .

Tungkol sa mga kagustuhan

Naglalaman ang page na “Pamahalaan ang iyong kagustuhan” ng:

  • Mga Pagkain: Itakda ang mga gusto mong kategorya, tulad ng vegan, vegetarian, walang gluten, walang alak, halal, at kosher.
  • Interesado: Idagdag ang mga bagay kung saan ka interesado, tulad ng mga paksa o lugar.
  • Hindi interesado: Idagdag ang mga bagay kung saan hindi ka interesado, tulad ng mga paksa o lugar.

Makikita mo ang mga sumusunod kapag nag-tap ka ng kagustuhan:

  • Mga paksa at lugar na ikaw mismo ang nagdagdag.
  • Mga paksa at lugar na iminumungkahi ng Google batay sa iyong mga naka-save na kagustuhan, History ng Lokasyon, at Aktibidad sa Web at App. Makikita mo ang “Suhestyon mula sa Maps” sa paglalarawan ng kategorya.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2821086397048974769
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false