Notification

Sa mga susunod na buwan, gagawing Timeline ang pangalan ng setting ng History ng Lokasyon. Kung io-on ang History ng Lokasyon para sa iyong account, puwede mong makita ang Timeline sa mga setting ng app at account mo.

Tumuklas ng mga bagong lugar at karanasan

Para matuto tungkol sa mga lugar at event sa mga lugar kung saan ka interesado, tingnan ang Google Maps. Makakakita ka ng mga personal na rekomendasyon, kamakailang review, at trending na lugar. Puwedeng maglaman ang impormasyong ito ng content mula sa iba't ibang source, kabilang ang aming mga partner, mga user, o ang pampublikong web.

Tip: Puwedeng mag-alis ng content ang Google kung mapag-alaman naming lumalabag ito sa aming mga patakaran sa content o kung lumalabag ito sa mga naaangkop na batas. Hindi naiimpluwensyahan ng bayad mula sa ibang kumpanya ang mga resultang ipinapakita sa seksyong Mga Update sa Google Maps. May label ang may bayad na content sa Google Maps.

Gumagamit kami ng mga signal sa pag-personalize na kinuha sa history ng lokasyon at aktibidad sa web at app para impluwensyahan kung anong content ang ipinapakita sa Google Maps. Matuto pa tungkol sa history ng lokasyon at aktibidad sa web at app at kung paano i-off ang mga ito.

 Mahalaga: Hindi available ang feature na ito sa lahat ng bansa.

Tandaan: Hindi sinusuportahan ang feature na ito sa mga iPad.

Tingnan ang mga lugar na iminungkahi para sa iyo

  1. Sa iyong iPhone, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Update Mga Update.
  3. Sa ilalim ng "Sinusubaybayan," makakakita ka ng mga rekomendasyon at update tungkol sa mga lugar at event sa iyong mga lokasyon.

I-explore ang mga iminumungkahing lugar

  • Para makita kung ano ang bago at kawili-wili, mag-scroll sa mga update.
  • Kapag nakakita ka ng lugar na gusto mong bisitahin, i-tap ang Gustong puntahan Want to go. Mase-save ito sa iyong listahan ng "Gustong puntahan."

  • Para makita ang iyong listahan ng "Gustong puntahan," i-tap ang Naka-save I-save ang lugar. Sa ilalim ng "Iyong mga listahan," i-tap ang Gustong puntahan Want to Go.

Saan galing ang mga mungkahi at update

Sa Google Maps, makakahanap ka ng mga rekomendasyon para sa mga lugar at karanasan sa mga komunidad, lungsod, at rehiyon na sa tingin namin ay magugustuhan mo. Nakabatay ang mga mungkahing ito sa iyong History ng Lokasyon, sa naka-save na Tahanan at Trabaho mo, at iyong aktibidad sa Maps. Nira-rank ang mga mungkahi batay sa pagiging napapanahon at kaugnayan ng mga lugar at event sa iyong mga kagustuhan.

Ang seksyong Mga Update ay nagpapakita ng mga update tungkol sa:

  • Mga tao at negosyong sinusubaybayan mo
  • Mga lugar na sa tingin ng Google Maps ay magiging interesado ka

Piliin ang mga lugar na interesado ka

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Update Mga Update.
  3. Sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Pamahalaan ang mga kagustuhan sa lugar.
  4. Pumili ng opsyon:
    • Para mag-alis ng lugar sa listahan, i-tap ang Alisin Alisin.
    • Para magdagdag ng bagong lugar, i-tap ang Magdagdag ng lugar at ilipat ang mapa.
    • I-tap ang Pumili ng lugar.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11294234405160359300
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false