Maghanap at magbahagi ng lokasyon gamit ang Mga Plus Code

Puwede mong gamitin at ibahagi ang Mga Plus Code para:

  • Makakuha at gumamit ng simpleng digital na address.
  • Tumukoy ng partikular na lokasyon para sa isang karaniwang address. Halimbawa, puwede kang tumukoy ng iba't ibang pasukan sa iisang gusali.
  • Tumukoy ng partikular na lokasyon para tumanggap ng mga delivery, mag-access ng mga serbisyong pang-emergency at panlipunan.

Narito ang isang halimbawa ng Plus Code: JJXX+HR8, Seattle.

Hanapin at ibahagi ang Plus Code ng isang lokasyon

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Hanapin ang lokasyon kung saan mo gustong kumuha ng Plus Code.
  3. Para mag-drop ng Pin Explore sa lokasyon, i-tap ang screen.
    • Sa ibaba, may lalabas na panel.
  4. Para kopyahin ang code ng lokasyon, sa panel, i-tap ang Plus Code .
  5. Para ibahagi ang lokasyon, i-paste ang Plus Code sa platform ng pagmemensahe na pipiliin mo.

Hanapin at ibahagi ang Plus Code ng kasalukuyan mong lokasyon

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang asul na tuldok na nagpapakita ng iyong lokasyon.
    • Sa ibaba, lalabas ang panel na “Iyong Lokasyon.” 
  3. Mula sa ibaba ng iyong screen, mag-swipe pataas hanggang sa mahanap mo ang seksyong “Plus Code.”
  4. I-tap ang Kopyahin ang code.
  5. Para ibahagi ang lokasyon, i-paste ang Plus Code sa platform ng pagmemensahe na pipiliin mo.

Kung offline ka, baka makakita ka ng pandaigdigang Plus Code na walang pangalan ng bayan o lungsod. Sa halip, may idinaragdag na area code sa umpisa ng Plus Code, gaya ng 9C5M8QQ7+V8.

Maghanap ng lokasyon gamit ang Plus Code

Para maghanap ng lokasyong may Plus Code:

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Sa itaas, sa box para sa paghahanap, ilagay ang Plus Code.
    1. Para maghanap ng bayan o lungsod kung saan hindi ka matatagpuan sa kasalukuyan: Maglagay ng Plus Code kasama ang pangalan ng bayan o lungsod. Halimbawa: JJXX+HR8, Seattle.
    2. Para maghanap ng bayan o lungsod kung nasaan ka sa kasalukuyan: Ilagay lang ang 6 o 7 digit na Plus Code. Halimbawa, kung nasa Seattle ka, puwede mong hanapin nang direkta ang JJXX+HR8.

Matuto pa tungkol sa Mga Plus Code.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
7087499244235076769
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
76697
false
false
false
false