Magsulat ng mga review at magdagdag ng mga rating ng mga lugar

Sa Google Maps, makakapagsulat ka ng mga review para sa mga lugar na napuntahan mo na. Puwede ka ring mag-iwan ng impormasyon tungkol sa isang lugar, halimbawa, kung tahimik, buhay na buhay, o romantiko ito. Boluntaryo ang mga review at opinyong ito. Hindi namin binabayaran ang mga reviewer para sa pagdaragdag ng mga ito sa Google Maps.

Ang makikita ng iba

Pampubliko ang lahat ng review, kaya makikita ng kahit sino ang isusulat mo. Hindi ka makakapagdagdag ng anonymous na review.

Narito ang ilan pang impormasyong makikita ng iba:

  • Ang pangalan sa iyong page na Tungkol sa akin
  • Iba pang review na isinulat mo sa Google Maps
  • Mga larawang idinagdag mo sa Google Maps

Tip: Kung isa kang Local Guide, puwede kang makakuha ng mga puntos sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga review at rating sa Google Maps.

Magdagdag ng rating o review

Mga Paalala:

  • Gumagamit ang Google ng mga awtomatikong hakbang sa pagtukoy ng spam para alisin ang mga review na malamang ay spam. 
  • Hindi kinukunsinti ng Google ang mga pekeng review. Puwede naming tanggalin ang anumang review na sa tingin namin ay peke o hindi sumusunod sa mga patakaran sa review ng Google.
  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps at tiyaking naka-sign in ka.
  2. Maghanap ng lugar.
  3. Sa kaliwa, mag-scroll pababa at i-click ang Magsulat ng review.
  4. Sa window na lalabas, i-click ang mga star upang bigyan ng score ang lugar. Maaari ka ring magsulat ng review.

Makikita ang iyong review sa Google Maps hanggang sa alisin mo ito. Kapag na-publish na ang iyong review, puwede mong i-edit ang isinulat mo, o palitan ang rating at mga larawang isinama mo. 

Tumingin ng mga review at rating

Hanapin at ibahagi ang iyong mga review
  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.

  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu Menu.

  3. Mag-click sa Ang iyong mga kontribusyon.

    • Para makita ang mga lugar na na-review mo na, piliin ang Mga Review.

    • Upang makakita ng mga mungkahing lugar na maaaring i-review, piliin ang Mag-ambag.

  4. Para magbahagi ng review, pumunta sa ibaba ng review at i-tap ang Ibahagi Ibahagi.

Basahin ang mga review ng ibang tao

Ang mga review at rating na nakikita mo sa Google Maps ay idinagdag ng iba pang user. Para maghanap ng mga review:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Maghanap ng lugar.
  3. Sa ibaba ng pangalan ng lugar, may makikita kang rating.
  4. Upang magbasa ng mga review, sa kanan ng rating, i-click ang bilang ng mga review.

Tip: Para makakita ng isinaling review sa ibang wika:

  1. Pumunta sa iyong mga wika.

  2. Sa kanan, i-click ang I-edit I-edit at pagkatapos ay pumili ng wika.

  3. I-reload ang Google Maps at tingnan ulit ang review.

Tandaan: Ang petsa sa isang review ay ang petsa kung kailan ito na-publish.

Sumagot sa isang review

Kapag ina-access mo sa iyong computer ang business profile mo sa Google Maps, magkakaroon ka ng opsyong sumagot sa mga indibidwal na review. 

Tandaan: Kailangang ma-verify ang iyong business profile para makasagot ka sa mga review.

Para sumagot sa mga review mula sa iyong business profile sa Google Maps, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Ilagay ang pangalan ng iyong negosyo. Pagkatapos, i-click ang Paghahanap Maghanap o pindutin ang Enter.
  3. Mag-scroll papunta sa seksyong “Mga Review” ng profile ng iyong negosyo.
  4. Sa tabi ng review na gusto mong tugunan, i-click ang Tumugon.

I-edit o i-delete ang iyong review

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.

  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu Menu.

  3. I-click ang Iyong mga kontribusyon at pagkatapos ay piliin ang Mga Review.

  4. Sa tabi ng review na gusto mong i-edit o i-delete, i-click ang Higit pa Higit pa.

  5. Pumili ng opsyon at sundin ang mga tagubilin.

Mag-ulat ng review

Puwedeng maalis ang mga review kung tutukuyin ang mga ito ng ibang tao bilang hindi tumpak o kung hindi sumusunod ang mga ito sa mga patakaran sa review ng Google. Hindi ka puwedeng makipag-ugnayan sa isang taong nag-iwan ng hindi naaangkop na review, pero puwede mong hilingin sa Google na alisin ito.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Hanapin ang review na lumalabag sa mga patakaran sa review ng Google.
  3. Sa tabi ng review, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-flag bilang hindi naaangkop.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?