Mahalaga: Kasalukuyan naming ina-update ang mga setting para sa mga serbisyo ng Google Search, kung saan kasama ang Search, Maps, Shopping, Flights, Mga Hotel, Translate, at News. Unti-unting ilulunsad ang mga ito sa susunod na ilang buwan. Kung hindi tumutugma ang mga setting sa artikulong ito sa nakikita mo, kinokontrol pa rin ng Aktibidad sa Web at App ang history at mga naka-personalize na rekomendasyon para sa mga serbisyo ng Search.
I-save ang iyong mga paboritong lugar sa Maps para madaling mahanap ang mga ito sa anumang computer, teleono, o tablet.
Mga Tip:
- Para madaling mahanap ang isang walang pangalang address, alamin kung paano bigyan ng pribadong label ang isang lugar.
- Para mag-save at maghanap ng mga paboritong lugar sa Maps, siguraduhing naka-sign ka sa iyong Google Account.
- Limitado sa 3,000 entry ang Mga Naka-save na Listahan. Posibleng hindi maipakita nang maayos ang mga listahang may mas maraming entry.
Para mag-save ng lugar:
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- Maghanap ng lugar, mag-tap ng pananda, o pindutin nang matagal ang isang lugar sa mapa.
- Sa ibaba ng screen, i-tap ang pangalan o address ng lugar.
- I-tap ang I-save
at pumili ng listahan.
Ikaw lang ang makakahanap sa iyong mga naka-save na lugar, maliban na lang kung gagawa at magbabahagi ka ng listahan ng mga lugar. Puwedeng ibahagi ng Google nang anonymous ang pinagsama-samang impormasyon tungkol sa mga naka-save na lugar ng mga user.
I-save ang Iyong mga lugar sa isang listahan
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang Ikaw
Tingnan lahat.
- Pindutin nang matagal ang lugar na gusto mong piliin.
- Para pumili ng iba pang lugar, i-tick ang check box sa tabi ng mga ito.
- Para piliin ang lahat ng lugar, i-tap ang Piliin lahat.
- I-tap ang I-save.
- Pumili ng kasalukuyang listahan o gumawa ng bago.
- Para gumawa ng bagong listahan, i-tap ang Bagong listahan
.
- Para gumawa ng bagong listahan, i-tap ang Bagong listahan
- I-tap ang Tapos na.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang Ikaw
- Sa ilalim ng "Iyong mga listahan," pumili ng listahan.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang box para sa paghahanap.
- Ilagay ang pangalan ng na-save mong lugar.
- I-tap ang suhestyon sa paghahanap para sa lugar.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang Ikaw
- Hanapin ang iyong naka-save na lugar at i-tap ito.
- I-tap ang Mga Direksyon
.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang Ikaw
.
- Sa listahan kung saan kasama ang lugar na gusto mong alisin, i-tap ang Higit pa
I-edit ang listahan.
- Sa tabi ng lugar na gusto mong alisin, i-tap ang Alisin
.