I-save ang iyong mga paboritong lugar sa Maps para madaling mahanap ang mga ito sa anumang computer, teleono, o tablet.
Mga Tip:
- Para madaling mahanap ang isang walang pangalang address, alamin kung paano bigyan ng pribadong label ang isang lugar.
- Para mag-save at maghanap ng mga paboritong lugar sa Maps, tiyaking naka-sign ka sa iyong Google Account.
- Nalilimitahan sa 500 entry ang Mga Na-save na Listahan. Posibleng hindi maipakita nang maayos ang mga listahang may mas maraming entry.
Puwede mong idagdag ang iyong mga paboritong lugar sa isang listahan para madaling mahanap ang mga ito sa ibang pagkakataon. Ang pag-save ng lugar ay iba sa pag-download ng offline na lugar o pagdaragdag ng lugar. Alamin kung paano mag-download ng offline na lugar o magdagdag ng lugar sa Google Maps.
Para mag-save ng lugar:
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- Mag-click o maghanap ng negosyo, lugar, o isang hanay ng mga coordinate.
- I-click ang I-save at pumili ng listahan.
Ikaw lang ang makakahanap sa iyong mga naka-save na lugar, maliban na lang kung gagawa at magbabahagi ka ng listahan ng mga lugar. Puwedeng ibahagi ng Google nang anonymous ang pinagsama-samang impormasyon tungkol sa mga naka-save na lugar ng mga user.
Mag-save ng lugar mula sa ibang website
Kung may naka-embed na mapa mula sa Google Maps ang isang website, puwede mong i-save ang lugar na iyon sa iyong Google Account.
- Buksan ang website na may mapang naka-embed mula sa Google Maps.
- Mag-click ng lugar sa mapa.
- I-click ang I-save at pumili ng listahan.
Lalabas ang iyong star at ang pangalan ng website sa mga bersyon ng Google Maps sa computer o mobile app.
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Naka-save .
Tip: Para magpakita ng mga naka-save na lugar habang naghahanap ka, i-on ang Aktibidad sa Web at App.
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Naka-save .
- Sa listahan kung saan kasama ang lugar na gusto mong alisin, i-click ang Higit pa I-edit ang listahan.
- Sa tabi ng lugar na gusto mong alisin, i-click ang Alisin .