Mag-delete ng mga direksyon at lugar sa iyong history

Kung na-on mo ang Aktibidad sa Web at App, lalabas sa iyong history sa Maps ang mga lugar na:

  • Hinanap mo kamakailan
  • Ginawan mo ng review
  • Naibahagi mo
  • Pinagawan sa iyo ng review
  • May tanong na sinagot mo

Tingnan ang iyong history sa Maps

Para makita ang iyong history sa Maps, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps at mag-sign in.
  2. I-click ang Menu Menu at pagkatapos Aktibidad sa Maps.

Mag-alis ng mga lugar sa iyong history sa Maps

Maaaring i-clear sa iyong history sa Google Maps ang mga lokasyong hinanap mo.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps at mag-sign in.
  2. I-click ang Menu Menu at pagkatapos Aktibidad sa Maps.
  3. Sa kanan, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mag-delete ng aktibidad ayon sa.
    • Para mag-delete ayon sa petsa: Sa ilalim ng seksyong "Mag-delete ayon sa petsa," pumili ng hanay ng petsa.
    • Para i-delete ang iyong buong history: Sa ilalim ng seksyong "Mag-delete ayon sa petsa," piliin ang Lahat ng oras.
  4. I-click ang I-delete.

Tandaan: Kapag na-delete mo ang iyong buong history sa Maps, hindi made-delete ang mga lugar na na-save mo, ibinahagi mo, o ipina-review sa iyo.

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?