I-on o i-off ang pagkolekta ng data ng lokasyon

Tandaan: Naaangkop ang artikulong ito sa mga iPhone at iPad.

Kapag na-on mo ang pagkolekta ng data ng lokasyon, nagpapadala kung minsan ang serbisyo ng lokasyon ng Google ng impormasyon ng anonymous na lokasyon sa Google. Maaaring pansamantalang iimbak sa iyong iPhone o iPad ang data ng lokasyon.

Nakakatulong sa Google ang impormasyon ng lokasyon na makapagbigay ng mas mahuhusay na serbisyo, tulad ng pagpapakita ng mga mas tumpak na kundisyon ng trapiko.

I-on ang pagkolekta ng data ng lokasyon

Upang i-on ang pagkolekta ng anonymous na lokasyon, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

  1. Buksan ang Google Maps app Google Maps.
  2. I-tap ang Menu Menu at pagkatapos Mga Setting.
  3. Piliin ang Tungkol Dito, mga tuntunin at privacy.
  4. Piliin ang Pagkolekta ng data ng lokasyon.
  5. I-slide ang switch sa NAKA-ON.

I-off ang pagkolekta ng data ng lokasyon

Upang i-off ang pagkolekta ng anonymous na lokasyon, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

  1. Buksan ang Google Maps app Google Maps.
  2. I-tap ang Menu Menu at pagkatapos Mga Setting.
  3. Piliin ang Tungkol Dito, mga tuntunin at privacy.
  4. Piliin ang Pagkolekta ng data ng lokasyon.
  5. I-slide ang switch sa NAKA-OFF.

Naaangkop lang ang setting ng pagkolekta ng data ng lokasyon sa data ng lokasyong nakolekta ng serbisyo ng lokasyon ng Google. Hindi nito kinokontrol ang ibang mga serbisyo ng lokasyon sa Google Maps para sa iPhone o iPad, kabilang ang Aking Lokasyon. Kung gusto mong baguhin ang iba pang mga serbisyo ng lokasyon, pumunta sa setting ng Mga Serbisyo ng Lokasyon ng iyong device.

Tandaan: Naiiba ang pag-ulat ng lokasyon at history ng lokasyon sa pagkolekta ng data ng lokasyon. Binibigyang-daan ng pag-ulat ng lokasyon ang Google na pana-panahong iimbak at gamitin ang pinakakamakailang data ng lokasyon ng iyong device na nakakonekta sa iyong Google Account. Binibigyang-daan ng history ng lokasyon ang Google na mag-imbak ng history ng iyong data ng lokasyon mula sa lahat ng device kung saan ka naka-sign in sa iyong Google Account at kung saan naka-on ang pag-uulat ng lokasyon. Matutunan kung paano i-on at i-off ang pag-ulat ng lokasyon at history ng lokasyon.

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?