Mag-save ng mga paboritong lugar

I-save ang iyong mga paboritong lugar sa Maps para madaling mahanap ang mga ito sa anumang computer, teleono, o tablet.

Mga Tip:

Mag-save ng lugar
Puwede mong idagdag ang iyong mga paboritong lugar sa isang listahan para madaling mahanap ang mga ito sa ibang pagkakataon. Ang pag-save ng lugar ay iba sa pag-download ng offline na lugar o pagdaragdag ng lugar. Alamin kung paano mag-download ng offline na lugar o magdagdag ng lugar sa Google Maps.

Para mag-save ng lugar:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps
  2. Mag-click o maghanap ng negosyo, lugar, o isang hanay ng mga coordinate.
  3. I-click ang I-save at pumili ng listahan.

Ikaw lang ang makakahanap sa iyong mga naka-save na lugar, maliban na lang kung gagawa at magbabahagi ka ng listahan ng mga lugar. Puwedeng ibahagi ng Google nang anonymous ang pinagsama-samang impormasyon tungkol sa mga naka-save na lugar ng mga user.

Mag-save ng lugar mula sa ibang website

Kung may naka-embed na mapa mula sa Google Maps ang isang website, puwede mong i-save ang lugar na iyon sa iyong Google Account.

  1. Buksan ang website na may mapang naka-embed mula sa Google Maps.
  2. Mag-click ng lugar sa mapa.
  3. I-click ang I-save at pumili ng listahan.

Lalabas ang iyong star at ang pangalan ng website sa mga bersyon ng Google Maps sa computer o mobile app.

Hanapin ang iyong mga naka-save na lugar
  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Naka-save I-save ang lugar.

Tip: Para magpakita ng mga naka-save na lugar habang naghahanap ka, i-on ang Aktibidad sa Web at App.

Mag-delete ng naka-save na lugar
  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Naka-save I-save ang lugar.
  3. Sa listahan kung saan kasama ang lugar na gusto mong alisin, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-edit ang listahan.
  4. Sa tabi ng lugar na gusto mong alisin, i-click ang Alisin Alisin.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13441585914667982927
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false