Puwede mong sukatin ang distansya sa pagitan ng dalawa o higit pang punto sa mapa. Halimbawa, puwede mong sukatin ang mileage sa isang diretsong linya sa pagitan ng dalawang lungsod.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app .
- Pumindot nang matagal kahit saan sa mapa na hindi pangalan o icon ng lugar. May lalabas na pulang pin.
- Piliin ang Sukatin ang distansya .
- Galawin ang mapa para mapunta ang itim na bilog sa susunod na puntong gusto mong idagdag.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Magdagdag ng punto .
- Sa ibaba, makikita mo ang kabuuang distansya sa milya (mi) at kilometro (km).
- Tip: Puwede kang magdagdag ng maraming punto.
- Para alisin ang huling puntong idinagdag mo, i-tap ang I-undo. Para i-clear ang lahat ng punto, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa I-clear.
- Kapag tapos na, i-tap ang pabalik na arrow sa kaliwang bahagi sa itaas.