Gamitin ang Google Sky Maps

Ang Google Sky Maps ay isang mapa ng kalangitan na nagpapakita sa iyo ng mga bagay tulad ng mga bituin, constellation, galaxy, planeta o ng buwan ng Earth. Upang gamitin ang Google Sky Maps, pumunta sa www.google.com/sky.

Maghanap sa kalangitan

Upang maghanap ng mga bagay at lokasyon sa kalangitan, maglagay ng termino para sa paghahanap at i-click ang Hanapin. Nasa ibaba ang ilang halimbawa.

  • Crab Nebula
  • Orion
  • NGC 2437
  • 5:34:32.01, 32:00:45.96

Tingnan ang kabuuan ng kalangitan

May dalawang paraan upang baguhin ang iyong view ng kalangitan.

I-pan

Upang mag-pan o igalaw ang mapa, gawin ang isa sa mga sumusunod:

  • I-drag ang view sa anumang direksyon.
  • Upang lumipat sa hilaga, pindutin ang pataas na arrow.
  • Upang lumipat sa timog, pindutin ang pababang arrow.
  • Upang lumipat sa silangan, pindutin ang pakanang arrow.
  • Upang lumipat sa kanluran, pindutin ang pakaliwang arrow.

Mag-zoom in o out

May ilang paraan upang mag-zoom in at out sa kalangitan:

  • Pindutin ang + o - na key.
  • Ilipat ang iyong cursor sa isang lugar sa mapa at gamitin ang button sa pag-scroll ng mouse.
  • I-drag ang zoom slider pataas o pababa.

Tip: Upang igitna at mag-zoom sa isang lugar, i-double click ang lugar.

Tandaan: Sa kaliwang bahagi sa ibaba, makikita mo ang mga coordinate ng iyong cursor. Naa-update ang mga coordinate na ito habang ginagalaw mo ang iyong cursor.

Tingnan ang iba't ibang view

Upang makita ang iba't ibang view sa Google Sky Maps, pumunta sa kanang bahagi sa itaas at pumili ng view. Upang huminto sa pagtingin sa isang view, i-click itong muli.

Tandaan: Maaari kang gumamit ng mahigit sa isang view sa bawat pagkakataon. 

  • Infrared: Tingnan ang infrared na koleksyon ng imahe ng kasalukuyang view. Upang isaayos ang opacity, igalaw ang slider.
  • Microwave: Tingnan ang microwave na koleksyon ng imahe ng kasalukuyang view. Upang isaayos ang opacity, igalaw ang slider.
  • Dating data: Tingnan ang mga mapa ng dating data ng kalangitan. Upang isaayos ang opacity, igalaw ang slider. Maaari kang magkaroon ng mas magandang view sa pamamagitan ng pag-zoom out.

Tumingin ng mga koleksyon ng imahe

Makakakita ka ng mga kawili-wiling koleksyon ng imahe sa pamamagitan ng pagki-click sa mga thumbnail sa ibaba ng page, tulad ng Hubble Showcase. Upang isaayos ang opacity, igalaw ang slider (kung available).

Magbahagi ng link

Maaari kang magbahagi ng link patungo sa iyong kasalukuyang view at i-post ito sa isang website o ibigay ito sa iba. Upang magbahagi ng link, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

  1. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Link patungo sa page na ito.
  2. Kopyahin ang address sa web sa address bar.
  3. I-paste ang address sa isang email o field ng mensahe at ipadala ito sa isang tao.

Mag-print ng larawan

Upang mag-print ng larawan, pumunta sa kanang bahagi sa itaas at i-click ang I-print.

Tandaan: Maaari mo lang i-print ang batayang koleksyon ng imahe, hindi ang koleksyon ng imahe mula sa mga view tulad ng infrared o dating data.

Tingnan ang KML content

Pagkatapos mong gumawa ng mapa, maaari mo nang tingnan ang content na batay sa KML. Upang makita ang content na batay sa KML, ilagay ang URL ng iyong KML file sa box para sa paghahanap at i-click ang Hanapin.

Tandaan: Maaari ka lang magpakita ng isang KML file sa isang pagkakataon. Sa kasalukuyan, hindi lumalabas sa Google Sky Maps ang mga placemark.

Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?
Paano namin mapapaganda ito?