Kumuha ng mga direksyon at ipakita ang mga ruta sa Google Maps

Mag-ulat ng mga maling direksyon

Mahalaga: Para panatilihing ligtas ang iyong sarili at ang iba, maging mapagmasid sa paligid mo kapag ginagamit mo ang mga direksyon sa Google Maps. Kapag nag-aalinlangan, sundin ang mga aktwal na regulasyon sa trapiko at kumpirmahin ang karatula mula sa kalsada o daanan kung nasaan ka.

Makakakuha ng mga direksyon para sa pagmamaneho, pampublikong transportasyon, paglalakad, ridesharing, pagbibisikleta, flight, o motorsiklo sa Google Maps.

  • Kung marami ang ruta, ang pinakamagandang ruta papunta sa iyong destinasyon ay ang asul. Gray naman ang iba pang ruta.
  • Binubuo pa ang ilang direksyon sa Google Maps at posibleng may limitadong availability.

Kumuha ng mga direksyon sa Google Maps

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. I-click ang Mga Direksyon Mga Direksyon.
  3. Ilagay ang pagmumulan at destinasyon.
    • Mag-click sa mga punto sa mapa, mag-type ng address, o magdagdag ng pangalan ng lugar.
  4. Piliin ang iyong mode ng transportasyon.
    • Para makakuha ng mga direksyon sa pagmamaneho, i-click ang Pagmamameho Pagmamaneho.
    • Para makakuha ng mga direksyon sa pagsakay, i-click ang Pampublikong sasakyan Transit.
    • Para makakuha ng mga direksyon para sa naglalakad, i-click ang Paglalakad Paglalakad.
    • Para makakuha ng mga opsyon sa rideshare o taxi, i-click ang Sumakay Mga serbisyo sa pagsakay.
    • Para makakuha ng mga direksyon sa pagbibisikleta, i-click ang Magbisikleta Nagbibisikleta.
    • Para makakuha ng mga opsyon sa flight, i-click ang Flight Flight.
    • Para makakuha ng mga direksyon para sa motorsiklo, i-click ang Motorsiklo Motorsiklo.

Tip: Para pumili ng ibang ruta sa anumang mode ng transportasyon, piliin ito sa mapa. Ipinapakita ng bawat ruta ang tinantyang tagal ng paglalakbay sa mapa.

Matuto pa tungkol sa mga transportation mode sa Google Maps

Makakakuha ka ng mga direksyon para sa iba't ibang mode ng transportasyon sa Google Maps. Matutunan ang tungkol sa mga pagkakaiba sa mga feature at availability ng bawat mode:

Pagmamaneho: Pagmamaneho

  • Idinisenyo ang mga ruta sa Pagmamaneho Pagmamaneho para gamitin ng mga sasakyan at puwede lang mag-navigate sa mga kalsadang para lang sa sasakyan. Kapag gumagamit ka ng mga de-motor na bisikleta o mga motorsiklo na mas mababa sa 125cc, gamitin ang opsyong “Iwasan ang mga toll at highway” na ruta.
  • Kung gusto mong baguhin ang ruta sa pagmamaneho, i-click at i-hold nang matagal ang isang lugar sa ruta at i-drag ito sa bagong lugar sa mapa.

Pampublikong sasakyan: Transit

  • Hindi lahat ng lungsod ay may mga mga direksyon sa pampublikong pagsakay sa Google Maps. Bago ka makakuha ng mga direksyon sa pagsakay, dapat munang idagdag ng iyong lokal na ahensyang pantransportasyon ang impormasyon ng ruta nito sa Google Maps.

Paglalakad: Paglalakad

  • Kapag naglalakad ka, puwede kang makakuha ng sunod-sunod na direksyon para sa naglalakad papunta sa iyong destinasyon.

Pagsakay: Mga serbisyo sa pagsakay

  • Kung gusto mo ng mga direksyon sa isang lugar na may mga serbisyo ng sasakyan o taxi, puwede mong ihambing ang mga serbisyo ng sasakyan sa mga direksyon ng pampublikong sasakyan at paglalakad. Matuto kung paano mag-request ng masasakyan.

Pagbibisikleta: Nagbibisikleta

  • Kapag ginamit mo ang iyong bisikleta, puwede mong gamitin ang mga ruta sa pagbibisikleta Nagbibisikleta kung available ang mga ito sa bansa o rehiyon mo.

Flight: Flight

Magdagdag ng maraming destinasyon sa Google Maps

Puwede kang makakuha ng mga direksyon sa maraming destinasyon para sa lahat ng mode ng transportasyon maliban sa pampublikong transportasyon o flight.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. I-click ang Mga Direksyon Mga Direksyon.
  3. Magdagdag ng pagmumulan at destinasyon.
    • Para i-edit ang iyong pagmumulan, sa itaas, i-click ang Iyong lokasyon.
  4. Sa ibaba ng mga destinasyong inilagay mo, i-click ang Magdagdag ng destinasyon Idagdag.
  5. Para magdagdag ng stop, pumili ng isa pang destinasyon.
    • Puwede kang magdagdag ng hanggang 9 na stop, kung saan kasama ang huling destinasyon.
  6. Para makakuha ng mga direksyon, i-click ang isang ruta.

Tip: Puwede kang maghanap ng mga lugar na nasa iyong ruta.

Baguhin ang pagkakasunod-sunod ng iyong mga stop sa Google Maps

  1. Hanapin ang destinasyong gusto mong ilipat.
  2. I-drag ang destinasyon.

I-preview ang mga direksyon sa Street View sa Google Maps

Mahalaga: Para kumuha ng mga direksyon sa Street View, i-click ang Mga Direksyon Mga Direksyon. Pagkatapos, ilagay ang pagmumulan at destinasyon.

  1. Sa iyong computer, sa ilalim ng rutang gusto mo, i-click ang Mga Detalye.
  2. Para kumuha ng mga mas detalyadong direksyon, i-click ang I-expand I-expand.
  3. Tumuro sa isang hakbang sa mga direksyon.
    • Kung available ang Street View, makakakuha ka ng preview na larawan.
  4. Para kunin ang Street View para sa hakbang na gusto mo, i-click ang larawan.
    • Para kunin ang Street View para sa iba pang hakbang sa ruta, sa kahon sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-click ang Nakaraang hakbang o Susunod na hakbang.
    • Para lumabas sa preview, sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Isara Isara.

I-customize ang iyong ruta sa Google Maps

Iwasan ang mga toll at highway
  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. I-click ang Mga Direksyon Mga Direksyon.
  3. Ilagay ang pagmumulan at destinasyon.
  4. Mag-click sa mga punto sa mapa, mag-type ng address, o magdagdag ng pangalan ng lugar.
  5. Piliin ang Mga Opsyon.
  6. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "Mga Toll" or "Mga Highway."
Baguhin ang oras na pag-alis o pagdating mo.

Para mahanap ang pinakamagandang ruta batay sa tinantyang trapiko at mga iskedyul ng pampublikong sasakyan, baguhin ang iyong petsa o oras ng biyahe. Gumagana lang ito para sa mga ruta na may isang destinasyon.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Kumuha ng mga direksyon.
  3. Pagkatapos mong makuha ang iyong mga direksyon, i-click ang Umalis na
  4. Para baguhin ang mga petsa o oras ng iyong pagbiyahe, piliin ang Umalis nang o Dumating nang.
Unawain kung paano namin niraranggo ang mga opsyon sa transportasyon

Sa tuwing maglalagay ka ng destinasyon sa Google Maps, ipapakita namin sa iyo kung paano pumunta roon gamit ang iba't ibang travel mode, tulad ng pagmamaneho, pagbibisikleta, o paglalakad.

Ang mga opsyon sa transportasyon na ipinapakita namin sa iyo ay naka-rank batay sa kumbinasyon ng mga objective na salik na dinisenyo para tulungan kang makahanap ng nauugnay at kapaki-pakinabang na impormasyon. Puwedeng kasama sa mga salik na ito ang tagal, layo, presyo, ang gusto mong mode, o ang kaugnayan ng isang mode sa iyong query. Sa pangkalahatan, ang mga pinakamahalagang salik ay ang gusto mong mode, ang mga tagal ng biyahe, at, paminsan-minsan, ang presyo.

Kapag mayroon, magpapakita rin kami sa iyo ng iba pang serbisyo sa mobility tulad ng pampublikong transportasyon, mga rental ng scooter o bisikleta, at mga serbisyo sa pagsakay sa sasakyan. Ang mga serbisyo sa mobility na ito ay mula sa mga third party na ginawang available sa publiko ang kanilang data ng transportasyon o may kasunduan sa pagiging partner kasama namin. Walang impluwensya sa ranking ng mga serbisyong ito ang anumang partnership o pangnegosyong kaugnayang posibleng mayroon kami sa anumang service provider ng transportasyon.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12049373134758059567
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false
false